WINTER'S POV
"Good morning" masiglang bati ko sa mga kaibigan ko na nakakasalubong ko
"Hi, Winter!" masiglang bati sa'kin ni Ate Micha...Michaela Catalan kasama niya si kuya Ivan
Masasabi natin na parehas kaming sobrang energetic ni ate Micha, kaya maraming nagsasabi na para kaming magkapatid eh
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang locker namin ni Autumn
"Good morning, Autumn" bati ko sa kanya pero as usual hindi niya ako binati pabalik o kahit tignan man lang
"Good morning, Winter" napalingon naman ako sa boses ni Jaycee
"Good morning din sayo" Sabi ko "come on Winter baby, Alam mo naman na gusto kong naririnig ang pangalan ko sa bibig mo" ani niya at nakarinig naman ako ng 'tsk' mula kay Autumn
"Good morning, Jaycee" pag-ulit ko at ginulo naman niya yung buhok ko "that's more like it Winter baby" Sabi nito at hinarap naman kami ni Autumn
"Baka naman gusto niyong tumabi" sabi niya at kinuha ko naman ang mga libro niya at pinatong sa taas ng libro ko
"Bye Mondejar number 1" Sabi ko at kinawayan siya
"Morning Winter" bati sa'kin ng seniors din dito sa school na si ate Abigail Villafuente, kasama din niya si kuya Eli Victorino, napansin ko naman na buhat-buhat ni kuya Eli yung bag ni Ate Abi
Kailan kaya mangyayari na si Autumn naman ang magbubuhat ng bag ko
Hindi naman sa napapagod na ako na gawin to, I mean pumayag siya sa gusto kong mangyari
Hays bahala na nga.
"Winter!" napalingon naman kami ni Autumn at nakita sina ate Abi at kuya Eli kaya napahinto kami ni Autumn
"Bakit po?" tanong ko
"Ano—may...may—meeting...mamaya...pumunta...ka—kayong...dalawa" hingal na hingal na sagot ni ate Abi
"Pupunta po kami" nagulat naman ako nang biglang sumagot si Autumn at nakita ko pa siyang nakangiti kay ate Abi
Wait...
"Sige, aasahan ko kayo dun ah" Sabi ni Ate abi
"After nun may practice tayo sa basketball" Sabi ni Kuya Eli bago inakbayan si ate Abi kaya napatingin ako kay Autumn at napansin na nawala na ang ngiti sa labi nito matapos akbayan ni kuya Eli si ate Abi
May gusto ba siya kay ate Abi? My god!
"Sige po una na kami" Sabi ko at nauna ng maglakad "Sige bye" rinig kong sabi nila
Shit!
"Good morning!" masiglang bati ko sa mga kaklase ko at dumiretso na sa upuan namin ni Autumn
Hinga...Huminga ka...Hinga
Maya-maya pa ay nakaupo na rin si Autumn sa tabi ko at napatingin naman ako sa kanya
"May...Gusto ka ba kay ate Abi?" tanong ko
"Eh ano naman ngayon kung may gusto ako sa kanya?" tanong niya pabalik at umiling na lang ako at ibinaling na lang ang tingin ko sa harapan
"Ano sa'kin? Well gusto ko kasi si kuya Eli eh, hahahaha" pagbibiro ko
"Oh eh kung gusto mo pala siya, eh ba't hindi na lang siya ang habol-habulin mo?" tanong niya
"Well...Si kuya Eli kasi may ate Abi na siya kaya ayaw ko siyang habulin...Tsaka bagay naman sila" Sagot ko
"Morning, Winter" bati sa'kin ni Rain
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...