CHAPTER 6: I'M FINE

122 14 0
                                    

WINTER'S POV

"Winter?!" gulat na sambit ng coach namin sa pangalan ko ng makita ako "akala ko ba, hindi ka mag te-training?" nagtatakang tanong ni Coach

Umiling naman ako bago siya ngitian "Kaya ko naman na po" panimula ko

"Medyo okay na rin po ang pakiramdam ko" Sagot ko at tumango naman siya bago ako pinapunta sa locker room para magpalit ng damit

Nilagay ko naman sa loob ng locker ko ang mga gamit ko at saktong pagsara ko nito ay bumungad sa'kin ang mukha ni Rain

"Tangina mo ka!" gulat na sigaw ko at natawa naman kami parehas

"Sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya

"Oo, kaya ko na" sagot ko at alam ko na hindi siya naniniwala base sa binibigay niya sa'king ekspresyon

"Okay nga lang ako" pag-assured ko "Look, natatakot lang ako baka kasi may mangyaring masama sayo dito" panimula niya

"Pero mas natatakot ako kay Summer, baka anong gawin sa'kin nun pag-nalaman niyang alam ko na hindi ka na nga okay pero pinag-training pa rin kita" Sabi niya at natawa naman ako

"Takot ka dun? Sus! Wag kang matakot dun, ako bahala sayo" Sabi ko bago siya binigyan ng matamis na ngiti at umalis na

Maya-maya pa ay natapos din ang training namin. Agad naman akong naligo at nagpalit na ng damit at nang matapos ako ay agad na akong nagbihis at lumabas na

"Ay! Kabayo!" sigaw ko ng makita si Autumn na nakaupo sa isa sa mga staircase

"Autumn?" ani ko at nilingon niya naman ako bago tumayo at lumapit sa'kin

"Hindi ko alam kung sadyang bingi ka lang o hindi mo lang talaga naintindihan yung sinabi ko" panimula niya

"Diba sabi ko sayo, na wag ka na munang mag training"

"Alam mong hindi okay yung kalagayan mo ngayon pero nag-training ka pa rin" dagdag niya at natameme naman ako na naging dahilan ng pagyuko ng ulo ko

"Pumayag ka diba? Na wag mag-training? Then why are you fucking here!" singhal niya na ikinagulat ko

"Sorry..." ani ko

"Kanina lang naman masama yung pakiramdam ko eh, ngayon hindi naman na masyado tsaka magte-training ako pag alam kong kaya ko" Sabi ko at inangatan siya ng tingin

"Tsaka katawan ko to, alam ko kung okay ako o hindi" dagdag ko at nakita ko naman ang pagtiim ng mga bagang niya

"Winter...Don't be fucking stupid!" bulyaw niya "alam kong katawan mo yan!"

"Pero si tita nurse na nga diba ang nagsabi na wag ka ng mag training ha! Alam kong hindi ka makikinig kaya inulit ko yung sinabi ni tita Nurse" dagdag niya at napayuko ulit ako ng wala sa oras

"Ayaw mo ba nun?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa sahig

Pinilit kong ngumiti para pigilan yung luha ko na patulo na "ayaw mo ba nun?" tanong ko ulit

"Pag nagkasakit ako hindi mo ko makikita?"

"Magiging maganda ang araw mo bukas kasi hindi mo maririnig yung nakakainis kong boses"

"Magiging maganda yung araw mo kasi hindi mo malalasahan yung pangit kong luto, as if naman na kinakain mo"

"Magiging maganda yung araw mo kasi hindi mo makikita yung pangit kong mukha" Sabi ko at inangatan siya ng tingin pero hindi ko na siya masyadong maaninag dahil medyo malabo na ang mga mata ko dahil sa luha na pinipilit kong hindi tumulo

"Ayaw mo ba nun?" tanong ko muli sa kaniya

"Don't worry, bukas magiging maganda ang araw mo" Sabi ko bago umalis sa harap niya at dumiretso na sa parking space ng school at diretso sa kotse namin

"Your-" napatigil naman si Kimon dahil sa paghikbi ko

"Okay lang po ako, promise...Drive na po kayo" Sabi ko at tumango naman siya bago nag drive

"Nandito na po ako" Sabi ko ng makapasok na ako sa bahay ng lolo't lola ko

"hija-" napatigil naman si daddy Lolo at napatitig sa'kin

"What happened?" tanong ni Daddy lolo

"Wala po, nanood po kasi ako ng k-drama" pagsisinungaling ko

"Sure ka?" tanong niya at tumango naman ako bago siya niyakap at humikbi sa huling pagkakataon bago umakyat na ng taluyan sa kwarto ko

At nang makapasok na ako ay hinayaan ko ang katawan ko na dumulas sa may pinto hangga't makaupo ako sa sahig at umiyak hangga't wala na akong mailabas na luha

"Winter, hija" rinig kong boses ni Mommy lola sa labas

"Hija...Kakain na tayo" rinig ko mula sa labas ng pintuan at inayos ko naman ang paghinga ko bago sinagot si mommy lola

"S-sige po, susunod na po ako" Sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo ko sa sahig at tinignan ang sarili ko sa salamin at mahinang natawa

"Kaya naman pala hindi ka magustuhan ni Autumn eh" Sabi ko sa sarili ko

"Wala ka na ngang kwenta, pangit ka pa" Sabi ko sa sarili ko at huminga naman ako ng malalim

"One last try, Winter Stavros" Sabi ko sa sarili ko bago hinubad ang uniporme ko at palda bago nagpalit ng pambahay

"Shit!" singhal ko sa sarili ko ng makita ang pagkamugto ng mga mata ko

Agad ko namang kinuha yung concealer at blending sponge ko At agad na naglagay ng concealer sa paligid ng mata ko at agad na inayos gamit ang blending sponge

"Okay na to" Sabi ko at ng makita na hindi na masyadong halata ang pamumula ng mata ko ay agad na akong bumaba at tumabi na kay Daddy lolo

"Oh hija, yung paborito mo" Sabi ni mommy lola at inabot sa'kin yung ulam

"Thank you po" Sabi ko at nginitian naman niya ako

"Hija, tumawag ang daddy mo kanina sabi niya uuwi daw siya dito next month para sunduin ka pabalik ng Greece" panimula ni daddy lolo

"Eh alam naman naming ayaw mong bumalik pero-" Hindi ko na pinatapos si Daddy lolo sa sasabihin niya at nagsalita na

"Pag-iisipan ko po ang tungkol sa bagay na yan" sabi ko

"Nakaka-miss din naman po yung Greece kahit papaano"

"Miss ko na rin naman na po silang dalawa ni kuya" Sabi ko at tinignan silang dalawa

"Sana po, maintindihan niyo po ako kahit na masama ang alaala ko sa Greece" nginitian ko naman sila bago nagpatuloy

"It is still my hometown" Sabi ko at hinawakan naman ni mommy lola ang kaliwang kamay ko

"Of course hija, don't worry naiintindihan ka namin, Greece is still your hometown after all" Sabi ni Mommy lola na ikinangiti ko lalo

"At dahil na sabi mo na rin naman na na-mi-miss mo ang kuya mo, uuwi siya dito a week after this week" Sabi ni Daddy lolo

"Really?!" gulat na tanong ko at tumango naman sila

"Yes at dito din siya titira" Sabi ni Daddy lolo at tumayo naman ako sa upuan ko at niyakap siya pati na rin sa mommy lola habang nagpapasalamat

"Buti na nga lang at pumayag ang kuya mo na dito tumira eh at hindi dun sa condo niya" sabi ni Daddy lolo

"Thank you po talaga" Sabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko at sinimulan na ang pagkain at sinabayan na rin ng kuwentuhan

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon