CHAPTER 11: TRAUMA

110 14 0
                                    

WINTER'S POV

"We're here!" masayang pag-anunsyo ko sa mga bata

"Halina kayo" Sabi ko at tinulungan silang bumaba sa van ng Angel Orphanage

"Wag kayong matakot, aalagaan kayo ni Sister Angel" Sabi ko at tumingin naman sa'kin yung isa sa mga bata na si Angelo

"Ate...Babalik ka naman po diba?" tanong niya at ngumiti naman ako bago tumango

"Bibisita si ate pag may oras siya" sabi ko at napatingin naman ako kay Autumn ng ituro siya ni Angelo

"Isama niyo po siya, para masaya po" Sabi niya bago ngumiti

"Paalam po, ingat po kayo" Sabi niya at kinawayan kami bago pumasok sa loob ng orphanage

"Pasok na" rinig kong sabi ni Autumn kaya agad naman akong tumango at pumasok na sa loob ng kotse namin

"Sa bahay po nila Autumn" Sabi ko kay Kimon at nag drive naman na siya

"Shit..." mahinang singhal ko ng makitang madilim na ang paligid

"Ms. Stavros, relax" rinig kong sabi ni Kimon pero hindi ko naman napigilan ang mag-alala

Tinali ko naman sa bun ang buhok ko at pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim bago pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko

"Relax" Sabi ko sa sarili ko at kinuyom ang kamao ko at pinilit na kumalma

"Relax" rinig kong sabi ni Autumn kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita na pinatong niya ang kaniyang kamay sa kamay ko

"Okay ka lang ba?" tanong nito at umiling naman ako at tumingin sa labas ng bintana

"No..." simpleng sagot ko bago siya muling tignan "anxiety attacks me lalo na kapag nasa labas ng bahay at madilim na ang paligid" Sabi ko

"Sorry" paghingi ko ng tawad sa kaniya dahil sa nakikita niya ako sa ganitong sitwasyon

"It's fine" Sabi niya at halos mahigit ko ang aking hininga ng pahigain niya ang ulo ko sa balikat niya

"Rest" simpleng sabi niya na agad kong sinunod "matulog ka na rin, for sure napagod ka" Sabi niya na ikinangiti ko

Nangyayari na ba ang pinakahihintay ko? Nagkakaroon ka na nga ba ng paki sa'kin Autumn?

Siguro nga.

Pero bakit ngayon pa Autumn?...Siguro ginagawa mo lang to para masulit ko yung 30 days ko kasama ka

"Good night" rinig kong sabi niya at yun na rin ang huli kong narinig bago tuluyang nakatulog sa balikat niya

"Hija..." rinig kong boses ng isang babae kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa maaninag ko na ang babaeng nagsasalita

"Mommy la?" tanong ko "Gumising ka na muna, hija" Sabi nito at umupo naman ako ng maimulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko

"Nasaan po si Autumn?" tanong ko at ngumiti naman siya habang kinukuha ang gamot ko sa loob ng lalagyan nito

"Nakauwi na siya hija, don't worry" Sabi nito at tumango naman ako at inilahad ang aking kamay ng iabot nito sa'kin ang gamot ko

"Thank you po" Sabi ko at ininom ang gamot at tubig

"Hija" panimula nito at napatingin naman ako sa kaniya

"Why don't you visit your psychiatrist again?" suhestiyon nito na ikinasamid ko

"Hija, your anxiety is getting worse at napansin yun ni Autumn" Sabi nito at napayuko naman ako

"Kausapin ko po muna si Daddy tungkol sa bagay na yan" Sabi ko

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon