CHAPTER 49: VELEZ

86 8 0
                                    

ANDREAS'S POV

"Alexios, paki bantayan muna ang kapatid mo" utos ko sa panganay ko

"Naiintindihan mo ba ako?" tanong ko nang hindi man lang ako nito kibuin

"What's paki bantay?" tanong niya at hindi ko naman maiwasan ang matawa dito

"Please watch your sister for me" Sabi ko at tumango naman siya

"Don't worry, akong balaha" Sabi niya at natawa naman ako

"It's bahala, hijo" Sabi ko at tumango naman siya

"Okay Okay Okay, got it" Sabi niya at niyakap ko naman siya bago lumabas ng bahay at sumakay sa loob ng kotse ko at nagmaneho na papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Sebastian Velez

Nang marating ko ang lugar ay agad ko siyang nakita at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya

"How are you Andreas?" tanong niya sa'kin "Hindi ka ba nagagalit ngayon? Hindi mo ba gustong ipapatay ang anak ko o ako?"

"You almost killed my daughter because of your selfishness, mas inuna mo yung pride mo bilang Count kaysa sa buhay ng anak ako" Sabi ko

"Sinaktan ng anak mo ang anak ko. Kaya tama ka, may karapatan ako at may kakayahan akong ipapatay ka at ang anak mo o kung gugustuhin ko ay ang buong pamilya mo"

"Pero hindi ko gagawin yun, Hindi ko kayang saktan ng ganun-ganun lang ang anak ko at higit sa lahat ikaw lang ang may kayang gawin yun"

"And by yun, I mean ang pumatay. Muntikan mo ngang gawin sa anak ko diba?, hindi ko sisisihin si Autumn sa nangyari kasi ikaw ang mas nakakatanda" sabi ko "kaya ang sama isipin na ang pangit mong halimbawa para sa mga anak mo" dagdag ko

"Hindi lang ako ang may kayang pumatay, Andreas—pati ang anak ko. I saw it" sabi niya at nagtaka naman ako sa takot na bakas sa mukha niya

"Magkano? Magkano ang kailangan mo para limutin na nating tong lahat?" tanong niya at hindi ko naman maiwasan ang pag-igtingin ang panga ko

"Simpleng sorry sa anak ko, okay na sana" Sabi ko

"At yang pera mo? Hindi namin yan kailangan. Ano bang tingin mo sa'min? isang normal na tao na mababayaran para manahimik" Sabi ko at bahagya siyang tinawanan

"Mas mayaman at mas makapangyarihan kami kaysa sa inyo, pero dahil hindi ka naman pala mag-so-sorry...Aalis na ako, you are wasting my very important time" Sabi ko at tumayo na bago umalis sa lugar na yun

Pagbalik ko sa bahay ay natagpuan ko ang mga kaibigan ng anak ko;

"Nice to meet you po" Sabi nila

"Velez?" tanong ko at tumango naman yung dalawa at nagulat naman ako ng bigla silang lumuhod

"Sorry po" Sabi nila at tinulungan ko naman silang tumayo

"Hindi niyo kailangan gawin to, kung meron mang tao ang dapat mag sorry ay yun ang daddy niyo" Sabi ko at tumango naman sila

"Sorry din po Tito" Sabi nung dalawang kambal

"Ako din po. Sorry din" Sabi nang isang lalaki

"May pupuntahan ba kayo?" tanong ko dahil napansin ko na bihis na bihis sila

"Gusto po kasi namin maglibang muna si Winter, lagi na lang po kasi nasa kuwarto eh" Sabi nila

"Sige, magandang ideya yan" Sabi ko at tumango naman sila

"Daddy" napalingon naman ako at nakita ang anak ko na nakabihis "Alis na po kami" Sabi niya bago ipalibot ang kamay sa braso ni Thunder

"Have fun" Sabi ko at hinalikan siya noo

"Tito, hanggang anong oras po ba puwede si Winter?" tanong sa'kin ng lalaking anak ni Velez

"Basta iuwi niyo siya ng buo at walang sugat, okay lang sa'kin. And besides nandiyan naman yung kambal na Nikolaos" Sabi ko at hinalikan ang anak ko sa noo bago siya hinayaan sumama sa mga kaibigan niya

SEBASTIAN'S POV

"Anong balak mong gawin?" tanong sa'kin ng asawa ko nang makauwi ako

"Hindi puwedeng makulong ang anak natin-"

"Kasalanan ang pumatay, Nyssa-"

"So, hahayaan mo siyang makulong?!" bulyaw nito sa'kin

"Hindi" simpleng sagot ko "Palalabasin ko na self-defense ang nangyari...pero ikukulong ko ang anak ko para bayaran niya ang ginawa niya..." paglinaw ko bago tumayo at kinuha ang cutter na pagmamay-ari ni Annalise na nakuha kanina sa school

"Anong gagawin mo?" tanong ni Nyssa bago ako sundan papunta sa kuwarto ni Autumn

"Sebastian-" agad ko naman sinugatan ang balat ng anak ko

"Daddy..." pagdaing nito pero tinuloy ko lang ginagawa ko

"Sebastian!" sigaw ni Nyssa bago ako yakapin mula sa likod ng isasaksak ko ang cutter sa balikat ni Autumn "Please...wag, baka mapatay mo si Autumn..." nanginginig na sabi nito

Nilingon ko naman siya bago hawakan ang magkabila niyang pisngi "Kailangan kong gawin to, okay?" sabi ko dito bago muling harapin ang anak ko at tuluyan ng isaksak ang cutter sa balikat nito

Nilingon ko namang muli ang asawa ko para tulungan itong tumayo nang matumba ito sa sobrang gulat sa ginawa ko "He's gonna be fine, he has you as his doctor..." pag-assure ko bago halikan ang noo niya at labi bago na siya hinayaan na gamutin ang anak namin

Matapos yun ay nakatanggap na ako ng tawag mula sa mga pulis tungkol sa pagkakamatay ni Annalise kaya pinapunta ko sila sa bahay namin para mapag-usapan at ipakita sa kanila ang mga sugat na natamo ni Autumn

Matapos ang ilang oras na pag-uusap ay nakuha na nila lahat ng impormasyon na nakuha nila "Maraming salamat po sir, good evening po ulit" sabi nito at hinatid ko naman sila palabas ng bahay namin bago muling pumasok sa loob at pakalmahin ang asawa ko

"Hihintayin natin ang graduation ni Autumn, bago tayo lilipad papuntang Spain. Dun ko siya ikukulong sa House of Velez" sabi ko at tumango naman ang asawa ko na nakahiga sa hita ko

"We'll be fine, Vida Mia..." sabi ko bago halikan ang noo niya at ipagpatuloy ang paghaplos sa buhok niya

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon