CHAPTER 45: BONDING

47 9 0
                                    

WINTER'S POV

"Hi..." ani ni Autumn nang magkita kami sa mall

"Tara na" Sabi niya at tumango naman ako bago niya pinagsaklop ang mga kamay namin at naglakad na papunta sa sinehan

Matapos manuod ay pumunta kami sa national bookstore at bumili kami parehas ng wattpad books, matapos namin makabili ay kahit natatakot ay pumayag ako na sakyan namin ang Ferris-wheel. At ngayon naman ay nasa bay area kami ng mall pinapanood ang paglubog ng araw habang ang mga kamay namin ay magkahawak at ang ulo ko ay nakasandal sa balikat niya

"I love you" Sabi ni Autumn kaya napatingin ako sa kaniya; hinalikan naman nito ang noo ko bago isunod ang labi ko na nagpangiti sa'kin

"I love you too" Sabi ko pabalik bago pinaglapat ang mga labi namin at nang maghiwalay ay muli naming pinagmasdan ang palubog na araw

Kinabukasan ay nagkaroon kami ng Virtual date ni Autumn at inis naman akong napatingin sa kaniya habang pinupunasan ang luha "Gago ka!" singhal ko dito at narinig ko naman ang pagtawa niya

"Sino yan?" rinig kong boses ni Kuya Forrest

"Si Winter, tinotoyo..." sagot ni Autumn at tumawa naman silang magkapatid

"Nag-aaral na nga tayo eh" sabi niya ng muling tumingin sa screen "Hindi ka naman nag-aaral eh" sabad ko habang patuloy pa din ang pag-iyak

"Nag-se-cellphone ka eh-"

"Kasi pini-picturan kita-"

"Nagsasalita pa ako eh!" pagwawala ko at narinig ko naman ang pagtawa niya "Hindi ka na nga nag-aaral kasama ko tas di mo pa ako pinapatapos mag salita..." dagdag ko bago punasan ang luha ko

"Mukha kang bibe, Winter..." sabi na mas ikinaiyak ko pero ng makita ko ang itsura ko sa camera sa screen ay bahagya naman akong natawa

"Mukha akong bibe" sabi ko at natawa naman siya "Quack Quack!" dagdag ko na mas ikinatawa nito

"Hayop ka! Wala kang kuwentang manuyo..." inis na sabi ko dito bago punasan ang luha ko "Nag-aaral tayo tapos di ka tapos naano—ano daw?" sabay naman kaming natawa ng pati ako ay naguluhan na din sa sarili ko

"Sige na. mag-aaral na din ako-"

"Hindi na! Yoko na! Pipilitin pa kita—napipilitan ka naman tapos aasarin mo pa ako inaasar mo ko" at muli ko kaming natawa ng maging inaudible ang mga sinabi ko

Nang matapos ang date slash iyakan at tawanan na iyon ay lumabas na ako sa kuwarto at nang marating ko ang sala ay medyo nalungkot ako ng makitang busy si Daddy, dapat kahapon nakilala na sila nina Autumn pero kasi na busy ito

Dumiretso naman ako sa sala bago naupo sa tabi niya "Hi daddy" bati ko at niyakap siya

"I prinkípissa mou..." Sabi nito bago ako niyakap at hinalikan sa noo

(I prinkípissa mou means my princess in Greek)

"Sorry...again" Sabi nito at ngumiti na lang ako bago umayos ng upo

"Daddy, I know you are aware that you are going to meet the family of my boyfriend, and it's kinda funny kasi nauna ko pa siyang sagutin kesa makilala niya kayo" Sabi ko at natawa naman si Daddy

"And it's also embarrassing kasi palipat-lipat tayo ng schedule" dagdag ko at nakita ko naman ang pagka-guilty sa mukha niya

"Sige, bukas...Final na to" Sabi ni Daddy at napangiti naman ako dahil dun "Wala ng bawian yan ah" sabi ko at tumango naman ito bago ako yakapin

"Sama ako diyan!" Sabi ni Adelfós at nakisama sa yakap namin ni Daddy

(Adelfós means brother in Greek)

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon