CHAPTER 46: DONE

63 8 0
                                    

WINTER'S POV

"Good morning" napatingin naman ako sa tabi ko at nakita si Autumn na kinukuha na rin ang mga gamit niya sa locker

"Good morning" bati ko pabalik at sinara naman nito ang locker bago ako niyakap at naramdaman ko naman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko

Halos tatlong linggo na ang nakalipas simula maging kami ni Autumn at sa bawat araw na lumilipas ay mas nararamdaman ko ang pagmamahal niya

"Tara na" sabi ni Autumn at binuhat na ang mga gamit ko "Tara..." ani ko at naglakad na kami habang ang mga kamay ay magkahawak

At halos tatlong linggo na rin na nanahimik si Annalise, sa totoo lang dapat akong matuwa pero kasi natatakot ako na baka may gawin siyang masama na ikasisira ng relasyon namin ni Autumn

Napatingin naman ako kay Autumn habang patuloy pa din kami sa paglalakad "I love you" Sabi ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagngiti niya bago ito humarap sa'kin

"I love you too" Sabi niya pabalik at hinalikan na rin ako sa noo

Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa unang klase at sakto naman kasi kakarating lang ni Ms. Arenas kaya agad na nagsimula ang klase. Matapos ang tatlong subject sa araw na to ay dumiretso na kami sa canteen para mag lunch

"Autumn..." napatingin naman kami dahil dun at nakita si Enzo

"Bakit?" tanong ni Autumn

"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito at tumango naman si Autumn

"Sige, ano ba yun?" Sabi ni Autumn at nakita ko naman na tinignan ako ni Enzo bago sagutin si Autumn "In private sana" ani nito at tumango naman si Autumn bago tumayo at hinalikan ako sa noo bago lumabas sa canteen

"Anong pag-uusapan nila?" tanong ko kay Jaycee

"Ewan" simpleng sagot nito "Pero sa tingin ko hihingi lang ng advice yan si Enzo, ganiyan naman silang dalawa pag nag-uusap in private, kasi problema na yung pinag-uusapan nila" Sabi ni Jaycee at napatango-tango naman ako

"Ba't parang kabado ka?" tanong ni Rain

"Huh?! Hindi, curious lang ako..." sagot ko sa kaniya

AUTUMN'S POV

"Kumain ka pa" Sabi ko kay Winter at sinubuan siya ng pagkain

"Ay! Wag nga dito" reklamo ni Jaycee

"Alam mo ikaw! Reklamador ka!" pagsaway ni Rain dito "Kung hindi mo kaya yung PDA nila, ikaw ang lumipat ng lamesa-"

"Kadiri kasi, okay?" Sabad ni Jaycee dito at natawa na lang kami ni Winter nang magsimula silang magbangayan

"Autumn..." napatingin naman kami dahil dun at nakita si Enzo

"Bakit?" tanong ko

"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito at tumango naman ako

"Sige, ano ba yun?" Sabi ko at nakita ko naman ang pagtingin ni Enzo kay Winter bago ako muling tignan "In private sana" sagot nito at tumango naman ako at bago tuluyang lumabas ay hinalikan ko na muna si Winter sa noo

Nang makalabas na ng tuluyan sa canteen ay nakarating kami sa garden ng school kung saan kaming dalawa lang ang nandun at nang marating namin yun ay agad pinalibot ni Enzo ang tingin sa paligid at hindi pa siya nagsasalita ay halatang problema na ang sasabihin nito

"Ano na naman ba ang ginawa mo?" tanong ko

"Autumn kasi..." panimula niya bakas ang pag-aalangan sa boses "Ano? Wag ka ng mahiya, sanay na ako sa kalokohan mo-"

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon