CHAPTER 47: ENOUGH

77 9 0
                                    

WINTER'S POV

"Winter" napahinto naman ako sa paglalakad dahil dun at nilingon sila

"Nandito kami para sayo" Sabi ni Storm

"Winter, sorry kung alam ko lang na totoo-"

"Alam mo to?" tanong ko kay kuya Forrest ng sabihin niya yun

"Winter-"

"So, alam mo nga?!" pabulyaw na tanong ko at pinunasan ang luha ko

"Oo pero-"

"Eh ikaw Rain!? Alam mo rin ba yung tungkol dito?" tanong ko habang nakatingin kay Rain

"Winter-" ani ni Summer

"Sagutin niyo ako!" bulyaw ko

"Ikaw Summer! May alam ka din ba tungkol dito?!" tanong ko at muling nagsitulo ang mga luha sa mata ko

"Oo" sagot ni Rain at napatingin naman ako sa kaniya "Alam ko...Pero nilinaw sa'kin ni-"

"Manahimik ka!" bulyaw ko

"Alam niyo lahat ng yun, pero hindi niyo man lang ako pinagsabihan o binalaan man lang" Sabi ko

"Winter kasi..." ani ni Kuya Forrest

"Alam niyong masasaktan ako! Alam niyo yun!" Sabi ko habang naiyak

"kung sinabi niyo sa'kin na pinaglalaruan lang pala ako ni Autumn, edi sana hindi na ako nagmalaki na girlfriend niya ako—edi sana hindi ako masasaktan ng ganito!" bulyaw ko sa kanila

"Nasasaktan niyo din ako...pakiramdam ko trinaydor niyo ako" dagdag ko

"Tito Andreas" rinig kong sabi ni Thunder kaya napalingon ako

"What's happening here?" tanong ni Daddy ng makalabas ito ng kotse

Nilapitan ko naman ito bago yakapin "Why are you crying?" tanong ni Daddy sa'kin

"Let's just go inside" Sabi ni Storm bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat

Nang makapasok kami sa loob ng kotse ay agad na nagmaneho pauwi si Thunder at nang makapasok kami ng bahay ay bumungad sa'min si Theía Tatiana

(Theía means aunt in Greek)

"Hello-Oh! What happened?" tanong nito at niyakap ko naman siya

Hinayaan na muna nila akong ganun pero habang tumatagal ay mas lalong nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa'kin

"I got your text, what's happening?" tanong ng kakadating lang na si Tita December

"Si Winter..." sabi ni Tita August habang hinahagod ang likod ko

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kuwarto ko at kasama ko ngayon si Theía Tatiana, Tita December, at Tita August

(Theía means aunt in Greek)

"Ano bang nangyari?" tanong ni Tita August "Winter, sabihin mo na sa'min. Nag-aalala kami para sayo..."

"Si Autumn..." Sagot ko bago humikbi

"Akala ko...Akala ko totoo, Laro lang pala" Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko

"Naniwala ako—Tanga ko din eh" Sabi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko

"Ang sakit Tita...ang sakit" ani ko at niyakap naman nila ako

"Winter..." ani ni Tita December

"Wala kaming kinakampihan dito ah, pero pinakinggan mo ba yung eksplenasyon niya?" Sabi ni Tita August at umiling naman ako

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon