WINTER'S POV
Habang naglalakad sa hallway ay dumiretso na ako sa locker ko na pinalipat ko sa tabi ng locker ni Storm at Thunder, kaya ang locker na nasa tabi ng locker ni Autumn ay pagmamay-ari na ng ibang estudyante
Nang marating ko yun ay agad kong nakita si Oshea at Liam
"Okay ka lang?" tanong nila at ngumiti naman ako bago umiling tsaka naman nila ako niyakap
"Nandito lang kami pag kailangan mo" sabi ni Oshea
"Thanks" Sabi ko at niyakap sila pabalik
"Uy! Si Autumn" Sabi ni Liam kaya lumingon ako at nakita si Autumn
It has been weeks simula nung issue nito with Annalise pero hanggang ngayon ay pabalik-balik pa din dito ang mga pulis at nanay ni Annalise
"Una na kami" Sabi ni Oshea at Liam bago ako iwan at binalewala ko naman si Autumn at binuksan na ang locker ko
"Winter, mag usap naman tayo oh" rinig kong paki-usap niya pero hindi ko ito pinansin
"Winter..." Sabi niya
"Winter, please hindi naman talaga kita pinaglaruan eh, totoong minahal kita-"
"Enough!" sigaw ko sa kaniya kaya napatigil siya
"Paulit-ulit na lang!" sigaw ko sa kaniya bago hinawakan ang pisngi niya at hindi napigilan ang maluha
"Autumn, gusto ko...gusto kitang paniwalaan. Pero kasi, Autumn..." Sabi ko at huminto na muna para huminga
"Ang hirap...Ang hirap paniwalaan kasi hindi ko alam kung totoo o nagsisimula ka na naman ng bagong laro" dagdag ko at tinanggal na ang palad ko sa pisngi niya
"Autumn, hindi lang tiwala ang nasira mo kundi pati ako, tinanggap ko lahat ng kagaguhan mo, tinanggap ko lahat ng masasakit na salita galing sayo, tinanggap ko lahat ng pagtaboy na ginawa mo sa'kin"
"Aaminin ko sayo. Pagod na ako, ayoko na. Pagod na akong habulin ka Autumn" Sabi ko at iniwan na siya at habang naglalakad ay pinupunasan ko ang mga luha ko
Nang marating ko ang klase ko na hindi ko kasama si Autumn ay umupo na ako sa upuan ko;
"Here..." Sabi ni Sun at agad ko namang tinanggap ang panyo na inabot niya bago siya niyakap
Matapos ang klase ay agad akong lumabas ng classroom bago dumiretso sa locker para kunin yung libro na gagamitin ko at ibalik na ang hindi. Nasa kabilang building ang next sub ko kaya habang nasa kalagitnaan ako ng pagtawid ay hinarang naman ako ng Mom ni Annalise
"G-good afternoon po" bati ko at nagpatuloy sa paglalakad pero muli ako nitong hinarangan
"Hija, diba boyfriend mo yung Autumn?" tanong nito at muli ko naman siyang dinaanan pero katulad kanina ay hinarangan ulit nito ang dadaanan ko bago hawakan ang balikat ko
"Probably kampi ka sa kaniya. Pero hija, kailangan ko ng tulong. Tumistigo ka-"
"Ma'am, wala po talaga akong alam sa nangyari-" sabad ko at napatigil ng kunin ako ni Ate Abi sa kaniya
"Good afternoon po, pero it is school hours. And bilin ng Principal sa inyo na hindi kayo puwedeng mag conduct ng any investigations pag school hours, pasensya na po" sabi nito bago ako tulungan na makatawid sa kabilang building
"Okay ka lang?" tanong ni Ate Micha at tumango naman ako bago ayusin ang paghinga ko
"Si Summer, Si Summer..." nagmamadaling sabi ni Ate Micha bago tumakbo papunta sa kabilang building para kunin si Summer na akmang lalapitan ng Mom ni Annalise
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...