AUTUMN'S POV
Habang binabasa ang libro na ninakaw ko sa kuwarto ni Summer ay bigla namang umilaw ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at napangiti ng makita ang pangalan ni Winter notification ko
Marquess Stavros: Ano nga palang 29th wish mo?
Count Velez: Bukas...Susunduin ka ni Summer, sumama ka na sa kaniya
Marquess Stavros: Huh?
Count Velez: basta
Marquess Stavros: okie okie👌🏻👌🏻👌🏻
Marquess Stavros: bye bye, good night😘
Count Velez: good night😘, sweet dreams
"Daddy!" rinig kong sigaw ni Summer dahilan para mapaupo ako sa kama "Ninakaw na naman ni Kuya yung libro ko!"
"Autumn punyeta ka!" sigaw nito at agad ko namang tinago ang libro sa likod ng headboard ng marinig ko ang yabag nito
"Autumn-"
"Ang tapang mo ah, porket nandito si daddy" sabad ko "Wala akong ninanakaw sayo!" sigaw ko dito
"Ibalik mo yung libro ko!" sigaw nito bago ako atakehin
"Mommy!" sigaw ko habang hawak-hawak ang kamay ni Summer na hawak-hawak ang buhok "Mommy!" sigaw ko
"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Summer na hawak-hawak na ni Daddy at Kuya ngayon habang si mommy naman ay pinuntahan ako at tinignan ang mga braso ko na kinalmot ni Summer
"Punyeta ka!" sigaw nito habang inilalabas na siya sa kuwarto ko; pinakita ko naman ang pangitnang daliri ko sa kaniya na naging dahilan para batukan ako ni mommy
Kinabukasan ay agad akong nagpaalam kay coach na gagamitin ko itong Gym at kung bakit; Masaya naman ako dahil pumayag ito bukod dun ay nakiusap din ako sa mga team mates ko na tulungan ako sa plano kong gawin sa Gym at mas dumoble ang saya ko nang pumayag sila
Matapos lahat ng klase namin ay lahat kami dumiretso na sa gym at inayos na ang supresa ko para kay Winter. Kasalukuyan kaming nasa loob ng Gym at inaayos na lahat ng gamit para sa supresa ko
"Grabe to dude" Sabi ni Jaycee habang pinapalubo ang lobo at hinahagis kung saan sa gym
"Oo nga dude, buti pinayagan ka ni Coach at buti din pumayag din sila" Sabi ni Jaydee at tinuro ang iba pang miyembro ng basketball team na tinutulungan kami para sa supresang to
"Autumn!" napalingon naman ako at nakita si kuya Eli na hawak-hawak ang ibang lobo
"Kahit saan. Basta kalat niyo lang yang mga lobo" Sabi ko at tumango naman siya
Napatingin naman ako kay Enzo ng maglakad ito papalapit sa'kin "Puwede na ba naming tanggalin tong jacket, wala pa naman siya eh" reklamo ni Enzo at binatukan ko naman siya
"Ano ka ba! Mag-isip ka nga! Paano kung bigla siyang dumating tapos nagmadali kang isuot yan tapos baliktad, edi sira na yung surprise" Sabi ko sa kaniya
"Ikaw ang mag-isip!" bulyaw nito sa'kin "Hindi mo pa nga nakikilala yung Daddy ni Winter, tatanungin mo na kaagad siya maging girlfriend mo, mali yun dude" Sabi ni Enzo at akmang babatukan ko siya ulit pero agad na siyang tumakbo palayo sa'kin
"Autumn..." napalingon naman ako dahil dun at nakita ang kambal na Nikolaos
"Congrats..." ani niya at tumango naman ako bago tinanggap ang kamay niya na nakalahad sa'kin
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Novela JuvenilWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...