CHAPTER 36: FORREST'S WISH

86 11 5
                                    

WINTER'S POV

"Okay, class dismissed" Sabi ni Ms. Lee kaya lahat kami ay nagsitayuan na at inayos na ang mga gamit namin

"Ano, Tara na?" tanong ni Autumn sa'kin at tumango naman ako bago kami tuluyang lumabas sa classroom namin at sumakay na sa kotse niya

"Teka! Si Kuya Forrest?" tanong ko

"Ayan na siya" Sagot ni Autumn at nakangiti namang pumasok si Kuya Forrest sa loob ng kotse niya

"Okay lang ba kasi nagimbita pa ako ng kasama ko?" tanong ni kuya Forrest sa'min at tumango naman si Autumn

"Sure..." simpleng sagot nito at napangiti naman ako ng makita si Storm na naglalakad papunta sa kotse ni Autumn at nang makapasok ay umupo ito sa passenger seat

"Hi Storm" bati ko sa kaniya

"Hi" ani niya at nagsimula naman ng magmaneho si Autumn

Habang nagmamaneho ay nagpatugtog naman si Autunn

Maya-maya pa ay nakailang kanta pa kami at dahil na rin sa antok ay hindi ko naiwasang makatulog sa biyahe

FORREST'S POV

"Got a whole lot of love, ain't tryna waste it
You got me runnin' around and I never chase it (yeah), Your face so pretty to me, makeup ain't make it (nah), Your face so pretty to me, makeup can't make it" pagkanta ni Storm at hindi ko naman maiwasan mapangiti dahil dun

Marunong pala siyang kumanta at hindi lang marunong maganda din ang boses niya

"But I think that I'm done trippin',
I'm trip-trippin' (woah, woah, right)
I've been sippin', that's how I control (woah, right, right, woah), This feelin', you keep givin' (woah, right, yeah), And I keep on hittin' it, you know (woah)
I could be the perfect young n**** for ya (alright),
Baby girl, your love got me trippin' on you (alright)" sunod naman kaming kumanta ni Autumn

"You know my love is big enough, got you trippin' on me
Yeah it's big enough got you trippin' on me
Trip, trippin' on me
My bad, it's your bad,
For you trippin' on me (trippin' on me, yeah, what, right)
My bad, it's your bad, for you trippin' on me (trippin' on me)" pagtapos ni Winter dun sa kanta

Nang matapos yung kanta ay nakailan pa kami bago magsimula magkuwentuhan

"Mahirap ba yung course na kinukuha mo Forrest?" tanong sa'kin ni Storm

"Ewan—I mean kung gusto mo naman kasi yung kinuha mong course, malamang matututo kang mahalin yun at mag-adjust sa lahat ng mahihirap na gagawin" Sabi ko at tumango-tango naman siya

"Kung hindi ka pa sure o NAGLALARO ka lang..." panimula ko at binigyang diin yung naglalaro para kay Autumn

"Mahihirapan at mahihirapan ka talaga...Kaya dapat pag talagang gusto at sure ka na, seryosohin mo na hindi yung NAGLALARO ka lang" pagtapos ko at muling diniinan yung salitang naglalaro

Nang sabihin ko yun ay napansin ko naman ang pagiging balisa ng kapatid ko. Napatingin naman ako sa katabi ko at hindi naiwasang mapangiti sa natutulog na bulto ni Winter

Maingat ko namang sinandal yung ulo niya sa balikat ko at marahang hinaplos yung buhok niya. Pinagpatuloy ko naman ang marahang paghaplos sa buhok niya

Mga ilang oras lang ay naabot na rin namin ang Beach house ni Autumn

"Winter, Winter..." paggising ko sa kaniya "nandito na tayo" Sabi ko at nag-inat naman siya sa loob ng kotse

"Mag-ayos ka na muna, hihintayin ka namin sa labas" Sabi ko at lumabas na sa kotse

"Ang ganda" Sabi ni Storm at napangisi naman ako

"Bakit?" tanong ni Storm sa'kin ng makita niya akong nakangisi "akin to dati" Sagot ko

"Huh?" tanong niya

"Akin to dati. Binigay lang ni Daddy kay Autumn kasi na-disappoint siya sa'kin" Sabi ko at naramdaman ko naman ang palad ni Storm sa likod ko at hinahagod ito

"Baliw! Okay lang ako, mas malaki na yung bago kong Beach house" Sabi ko at natawa naman siya

"Tara na" Sabi ni Autumn at napalingon naman kami at nakita siyang hawak-hawak ang kamay ni Winter habang naglalakad papalapit sa'min

Ibang klase talaga tong gagong to!

Hindi ko naman maiwasan ang magalit sa nakikita ko—Hindi ako nagseselos, nagagalit ako. Walang karapatan si Autumn paglaruan si Winter at mas lalong hindi deserve ni Winter ang mapaglaruan—Kahit na sino mang babae hindi nila deserve ang mapaglaruan

"Tara na" Sabi ni Storm at tumango naman ako

Nang makapasok kami ay agad kaming nagpalit ng damit at nagsimula naman na akong mag swimming at habang lumalangoy ako ay napatingin ako sa may kusina malapit sa pool side at nahuli si Storm na nakatingin sa'kin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin

"Kuya Forrest" napatingin naman ako sa may pintuan at nakita si Winter na nakasuot ng rash guard at naglalakad papunta sa direksyon ko at agad ding lumusong sa pool

"Naglagay ka ng sun block?" napalingon naman kami dahil sa boses ni Autumn

"Hmmm" sagot ni Winter habang nakangiti

"So, Mind explaining this wish thing?" tanong ko "ah! Alam naman natin na hindi ako gusto ni Autumn dati-"

"So, sa tingin mo may gusto na siya sayo ngayon?" tanong ko

"Huh?" tanong niya at umiling-iling naman ako "wala, ano nga ulit yung sinasabi mo"

"So, yun nga hindi ako gusto ni Autumn dati. So ang ginawa ko ay binigyan ko siya ng 30 wish at the end of the month mauubos na yun kaya sabi ko lalayuan ko na siya, pero a miracle happened. Nagkagusto siya sa'kin" lintaya niya habang nakangiti

"You call that miracle?" hindi makapaniwalang tanong ko "Hindi mo man lang ba naisip na baka pinaglalaruan ka lang niya?" tanong ko at napatingin naman siya kay Autumn

"Pinaglalaruan?" inosenteng tanong niya

"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ko at umiling naman siya

Kaya naman pala...Wala pa siyang experience dito

"Ahmm, since sumama ka ibibigay ko sayo yung pang-siyam na hiling ni Autumn" sabi nito "So, anong hiling mo?" tanong niya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya

Bakit parang ang hirap makita kang hindi nakangiti

"Ninth wish...My ninth wish is" ani ko at tumingin na muna ako kay Autumn na tinutulungan ni Storm magluto ng meryenda namin

"Don't fall too hard. Wag mo masyadong mahalin si Autumn, kasi believe me pag ginawa mo yan masasaktan ka" Sabi ko at nakita ko naman siyang ngumiti

"Thanks for reminding me" Sabi niya at nagtaka naman ako

"Reminding?" tanong ko at tumango naman siya bago medyo nawala ang ngiti sa labi

"Hmmm reminding, kasi nakakalimutan ko na yung sarili ko minsan sa sobrang pagbibigay ko ng pagmamahal sa ibang tao—Lalo na kay Autumn" Sabi niya at muling ngumiti at tumingin sa langit kaya ganun na rin ang ginawa ko

"Oh, juice" Sabi ni Storm bago nilapag ang baso na may lamang Juice sa may gilid ng pool at nagngitian naman kami bago siya umalis

"Kuya Forrest may tanong ako" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya

"Ano yun?" tanong ko

"Parehas ba tayo?" tanong niya na ikinataka ko "huh? Anong parehas ba tayo?" tanong ko

"Parehas ba tayo na..." Sabi niya bago tinuro sina Autumn at Storm gamit ang nguso niya

"Huh? Na ano? Tsaka anong nginunguso-nguso mo diyan?" tanong ko at ininuman yung juice na bigay ni Storm

"Kung...parehas ba tayong lalaki ang gusto?" tanong niya at naibuga ko naman yung juice na iniinom ko

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon