CHAPTER 5: NEWS

135 13 0
                                    

WINTER'S POV

"Ayan...tapos na rin tayo" hingal na sabi niya sa'kin

"Hoy!" bulyaw ni Summer sa tenga ko at dun naman ako natauhan "okay ka lang ba?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot

"Kanina ka pa tulala, sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya

"Ang lalim naman ata masyado ng iniisip mo" Sabi ni Rain at ngumiti naman ako bago tumango

"Oo, okay lang ako" Sagot ko at tumingin sa emotionless kong katabi na si Autumn

"Ano?" malamig na tanong niya "wala, masama na bang tumingin ngayon" angal ko

"Hindi naman, pero kung ako ang titignan, masama na yun" Sabi niya

"Guys!" sigaw ni Enzo na nakakuha ng atensyon ng buong klase

"Alam niyo na ba?" tanong niya "hindi pa" pilosopong sagot ni Autumn

"Gago!" singhal ni Enzo at pinakyuhan si Autumn

"Okay, so narinig ko sa faculty na may bagong students na galing Greece ang mag-aaral dito" sagot niya at agad namang nagbulungan ang mga kaklase ko

"Tsk! Nagsayang lang sila ng pera" rinig ko galing kay Autumn

"Eh ano naman ngayon?" tanong ni Jaydee kay Enzo

"Well, kaya naman pala sila nandito kasi may hinahanap sila...Pero hindi ko alam kung sino?" sagot ni Enzo

"Eh ba't mo naman sinasabi yan sa'min ngayon?" tanong ni Jaycee

"Gwapo daw eh...Kaya Autumn Velez malapit ng mag expire yang ka-gwapuhan mo" sagot ni Enzo habang nakaturo kay Autumn

"Tsk!" napangiti naman ako sa inasal ni Autumn kasi para sa'kin kahit ilang gwapong lalaki pa ang iharap niyo sa'kin si Autumn pa rin ang pinakagwapo sa lahat

"Hindi naman sila siguro ganun kagwapo para matapatan nila yung ka-gwapuhan ni Autumn" pagdepensa ko

"Ayt! Sana ol pinagtatanggol!" sigaw ni Jaycee at nagsitilian naman ang mga kaklase ko

"Morning class" biglaang bati sa'min ng teacher namin kaya lahat ay nagsitayuan at nagsibalikan sa kani-kaniyang upuan

"Good morning, Ms. Arenas" bati namin

"Ma'am totoo po ba na may bagong students?" tanong ni Summer

"Yes, galing silang Greece...papasok na sila bukas" Sagot ni Ms. Arenas

"Ano pong pangalan nila Ma'am?" tanong ng isa naming kaklase na si kyla na ikanatawa naman naming lahat

"Wala pa nga dito, humaharot ka na" Sabi ni Jaycee "ohhh!" sigaw ng mga kaklase ko

"Boom! Burn" Sabi ni Rain

"Ashes!" Sabi ni Summer at nagsitawan naman kami

"Mga baliw" rinig kong bulong ni Autumn at napatigil naman ako sa pagtawa

"Pangalan nila...Storm at Thunder"

"Storm at Thunder Nikolaos" sagot ni Ms. Arenas

"Nikolaos? So...taga Athens sila Ma'am?" tanong ko

"Oo, Greece sa may Athens" Sagot nito

Nikolaos? It sounds very familiar

"Greek ka diba?" tanong ni Autumn sa'kin at tumango naman ako

"Greek ka...Greek sila..." Sabi niya at huminto mid-sentence

"taga Athens sila sa Greece, taga Athens ka din sa Greece hmm perfect pair, kulitin mo na ang isa sa kanila" dagdag nito "kung ako sayo, isa na sa kanila ang gugustuhin ko" payo niya sa'kin

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon