CHAPTER 29: KISS

66 10 0
                                    

WINTER'S POV

"Ahmm, my sixth wish..." Sabi ko at nakita ko naman ang pag-ayos niya ng upo at paglapit sa'kin kaya napayuko ako

"My sixth wish is, to know...kung bakit bigla kang nagbago?" tanong ko

"Nagbago?" tanong niya

"Hmmm" ani ko at tinitigan siya mata sa mata

"Tinutulak-tulak mo ako dati, pero ngayon gusto mo akong makasama, sobrang sweet mo din" Sabi ko

"Kaya napaisip ako kung dati ka pa ba may gusto sa'kin? o sadyang na-challenge ka lang kay Storm kasi ayaw mo na natatalo ka?" tanong ko sa kaniya at nakita ko naman ang pag-igting ng panga niya

"Autumn...ano ba talagang nararamdaman mo? Kasi ako yung...Ako yung nalilito eh" Sabi ko

"Guys!"

"Kuya Forrest, bakit may problema ba?" tanong ko bago tumayo

"Kain daw muna tayo ng snacks" Sabi ni Kuya Forrest at tumango naman ako "Hihintayin namin kayo dun" Sabi nito bago kami iwan Autumn

Nilingon ko naman si Autumn at nakita na nakatingin siya sa'kin

"Y-you don't have to answer that, Hindi kita pinipilit don't worry" Sabi ko at nauna ng lumabas sa kuwarto ko

"Shit!" singhal ko ng tumama ang katawan ko sa katawan ni Storm

"Okay ka lang ba? I'm sorry, Winter" tanong niya

"Yeah, sorry" Sabi ko at natawa naman kami parehas "still clumsy" Sabi niya bago hinawakan ang magkabila kong braso

"Excuse" Napahawak naman ako sa braso niya nang marinig ang malamig na tono ng boses ni Autumn

"You good?" tanong ni Storm kay Autumn pero imbis na sagutin ay nilampasan niya lang kami "Anong nangyari dun?" tanong niya sa'kin at hinawakan ang kamay ko na nakakapit sa braso niya

"Ewan" simpleng sagot ko at tumango-tango na lang si Storm bago tanggalin ang mga kamay ko sa braso niya at pagsaklupin ang mga kamay namin bago dumiretso na kami sa may sala

"Here" Sabi ni Kuya Forrest at tinanggal yung unan dun sa tabi niya kaya dun na ako umupo at inabutan na rin niya ako ng cake

"Okay ka lang?" pabulong na tanong ni Kuya Forrest sa'kin "Why you asked?" bulong ko pabalik

"Mukhang mapapatay ka na ng kapatid ko sa titig niya eh" bulong niya at ninakawan ko naman ng tingin si Autumn at agad ding napatingin pabalik kay Kuya Forrest

"Wala. Ahmmm, na bad mood ata?" sagot ko kahit hindi ako sigurado kasi ang ginawa ko lang naman ay ang magtanong

Nasaktan ko ba ang ego niya?

"Masarap?" napatingin naman ako kay Autumn ng tanungin niya yun

"Hmmm, tama lang sa panlasa ko" Sagot ko "Good, that's what I'm aiming for" ani niya at napatingin naman ako sa kinakain ko na cake

"Siya ba nag bake nito?" pabulong na tanong ko kay Storm na nakaupo sa kanan ko at tumango naman siya bilang sagot

"What?!" napatingin naman ako kay Autumn sa biglang pagsigaw niya at nakita na ang sama ng tingin niya sa kuya niya

Mga ilang sandali pa ay tumingin siya sa may direksyon ko at nang magtama ang mga tingin namin ay biglang lumambot ang ekspresyon niya

"I'm tired, uuwi na ako" Sabi niya sabay tayo at dumiretso na ng labas sa bahay namin

"Nireregla si gago" Sabi ni Kuya Forrest at hindi ko naman mapigilan ang matawa ng bahagya "Wag kang matakot dun" dagdag nito

"Who says I'm scared?" Sabi ko

Hindi naman talaga ako natakot o natatakot pero nag-aalala ako sa kaniya

"Gusto mo pa?" tanong ni Storm at tumango naman

"Ikaw?" tanong ni Storm kay Kuya Forrest at tumango din ito

Maya-maya pa ay umuwi na rin si Kuya Forrest at ganun din si Storm kasi baka daw mamatay sa gutom si Thunder lalo na't hindi pala ito marunong magluto

Dumiretso na ako sa kuwarto ko nang makaalis na sila at kumuha na muna ako nang libro bago nahiga sa kama ko at binasa iyon

Makalipas ang ilang minutong pagbabasa at katahimikan...

"Winter!"

"Mommy!" napabalikwas naman ako ng upo at napatingin sa balkonahe "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko kay Kuya Forrest ng makita ko siya dun kaya agad ko itong pinagbuksan ng pinto para makapasok siya

"Akala ko umuwi ka na?" tanong ko sa kaniya

"Ayaw ko pang umuwi, shopping tayo?" suhestiyon niya

"G!" Pag-sang-ayon ko sa suhestiyon niya "labas ka muna, papalit lang ako nang damit" dagdag ko at lumabas naman ito sa kuwarto ko

"Bilisan mo ah" Sabi nito bago isara ang pintuan ng kuwarto

Maya-maya pa ay narating na din namin ang mall at nandito kami ngayon sa may woman section "here" Sabi ni Kuya Forrest bago inabot sa'kin ang telepono nito

"Hi...ahmm, Mrs. Velez this Winter-"

"Oh! Hi hija, anong ginagawa mo ngayon ba't kasama mo si Forrest?" tanong nito

"Ahmmm, Mrs. Velez sabi po kasi ng anak niyo na magkakaroon ng dinner Party sa inyo and meron pang color coding—sa damit?" tanong ko

"Ah! Yes hija, imbitado kasi kayo and bukod sa inyo ay meron ding ibang bisita" sagot nito

"Kailan po ba siya gaganapin?" tanong ko

"Tomorrow" sagot nito

"Okay thank you po for confirming, medyo hindi po kasi kapani-paniwala tong anak niyo eh"

"Hahahahahaha, sige na hija. Stay safe"

"Kayo din po" Sabi ko at pinatay na ang tawag

"See I told you, and anong hindi ako kapani-paniwala?" tanong nito at nameywang pa "hahahaha, hali ka na nga" Sabi ko bago iangkla ang kamay ko sa braso nito at hilahin siya sa mga gown duon

"Ito?" tanong niya habang hawak-hawak ang isang kulay itim na cocktail dress "Masyadong revealing, baka mamatay ng maaga si Daddy lolo pagnakita niya ako na nakasuot ng ganiyan"

"How about this?" tanong nito habang may hawak na backless na gown

"No, as you can see medyo gifted ang hinaharap ko. So, hindi puwede yung ganiyan sa'kin" panimula ko "at bukod dun, may baby fats pa ako" Sabi ko at natawa naman siya

"Okay! Eh ito?" tanong niya habang hawak-hawak ang isang itim na off shoulder

"Cute" Sabi ko habang nakangiti "talaga? Sukatin mo" Sabi nito at kaagad ko naman itong hinablot sa kamay niya at dumiretso sa fitting room

"It's cute" Sabi ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin na suot-suot iyon

"Ano na? Patingin!" sigaw ni Kuya Forrest kaya agad akong lumabas at halos matumba ako ng makita ang bulto ni Autumn pagbukas ko ng pinto

"It's cute..." Sabi niya bago ihilig ang ulo sa kanan "and, at the same time...sexy" Sabi niya habang nilalakbay nang mga daliri niya ang collarbone at leeg ko

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang ginagawa iyon

"Fuck this!" Sabi niya bago ako tinulak papasok sa fitting room at isinandal sa pader

Pinalibot naman nito ang palad sa leeg ko "Autumn..."

Nilapit nito ang mukha sa leeg ko at nag-iwan duon nang halik bago iangat ang mga labi sa tenga ko "Hindi ako ganun katanga para hindi mapansin yung love mark sa collarbone mo, Winter" bulong nito sa'kin

"Kanina pa ako nagtitiis" sabi niya at habang hawak-hawak ang leeg ko ay inabot nang kaliwang kamay niya ang magkabilang pulsuhan ko bago ito hawakan pataas sa ibabaw ng ulo ko bago pinaglandas ang mga labi namin

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon