WINTER'S POV
"My fourth wish is this..." Sabi niya at agad namang nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko
"Winter!" natigil naman siya sa paglapit dahil sa pagsigaw na iyon
"Thunder..." Sabi ko ng tuluyan na siyang makalapit sa'min
Inilahad naman niya ang kamay niya sa'kin at tinulungan akong tumayo at ganun din ang ginawa niya kay Autumn
"Okay ka lang ba?" tanong ni Thunder kay Autumn
"Yeah" simpleng sagot nito
"Sorry nga pala kanina ha, dapat pala pinatapos na muna kita" Sabi niya sa'kin na ikinangiti ko naman
"its fine, sana sa susunod wag ng maulit" Sabi ko at tumango naman siya
"Don't worry, wala akong balak ulitin" Sabi niya na ikinangiti ko
"Maliligo na ako" Sabi ko sa kanilang dalawa at ng makalayo ako sa kanila ay lumingon naman ako para tignan sila
"What the-" Sabi ko sa sarili ko ng mapansin na parang ang talim naman ata ng tignin nila sa isa't-isa
Para bang may tensiyon sa pagitan nila "Whatever" Sabi ko at nagpatuloy na lang sa shower room at naligo na
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at lumabas ng shower room
Paglabas ko ay wala na akong nakitang Thunder sa paligid kundi si Autumn na lang
"Let's go, uwian na" Sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya
"Uwian na, yet nandito ka pa?" tanong ko "Hinintay kita" Sabi nito na ikinagulat ko
Hinintay niya ako? Bakit?
"So, let's go" Sabi niya at napangiti naman ako bago tumango at sabay kaming lumabas
"May gagawin ka ba?" tanong niya at umiling naman ako
"May training kami ngayon, pero tinamad ako bigla" Sabi ko at tumango-tango naman siya
"You should really visit a psychiatrist, I can recommend you one magaling siya-"
"How did you know?" napahinto naman kami parehas dahil sa tanong ko
"How did you know na magaling siya?" taas kilay na tanong ko
"Kasi..." panimula niya
"Kasi ano?" tanong ko
"Kasi sabi ng ibang family member? Sinabi ng kaibigan?" sunod-sunod na tanong ko at bahagyang natawa
"If you think visiting a psychiatrist is a good thing for me, well fuck you It's not!" bulyaw ko at napatitig naman siya sa'kin
"Visiting that goddamn psychiatrist makes me feel more that I am not fine, parang mas pinapamukha niyo sa'kin na hindi talaga maayos ang lagay ko"
"Kung sa tingin niyo na ang pagbisita ko sa psychiatrist ay makakabuti para sa'kin"
"Puwes hindi! It's another hell for me!" bulyaw ko sa kaniya at nagmamartsang umalis
"Nakakabuwesit! Ganun na ba talaga kalala yung anxiety ko!" nagagalit na sabi ko at pabalang na binuksan ang pinto ng locker ko
"Bakit hindi na ba ako mukhang okay? Nakakaturn-off na ba yung pagkakaroon ko ng anxiety-" kinuyom ko naman ang kamao ko ng maramdaman na may kumalabit sa'kin
"Ano?!" bulyaw ko ng lingunin ko yung taong yun
Bumagsak naman parehas ang balikat ko at bahagyang kumalma ng makitang si Storm pala ito
"Sorry, Storm" Sabi ko at napahawak sa ulo ko
"Okay ka lang ba?" tanong niya at umiling naman ako "Mukhang galit ka ah" Sabi niya at tumango naman ako at huminga ng malalim
Napatingin naman ako sa kaniya at nakitang nakangiti siya sa'kin
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kung bakit siya nakangiti pero imbis na sagutin ay hinawakan niya ako sa may pulsuhan ko at hinila ako sa parking lot ng school at pinasakay ako sa isang kotse bago siya pumasok at pinaandar yun
"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko sa kaniya
"Secret..." Sabi niya at ngumiti
"Kung tungkol to sa sinabi ng kakambal mo-"
"Totoo naman yun" pagputol niya sa sasabihin ko at bahagya akong tinignan at tumingin na ulit sa kalsada
"Sumobra naman ata sa kapal yang mukha mo" Sabi ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya
"Bakit? Hindi ba ako guwapo para sayo? Sa pagkakaalala ko kasi sa sinabi mo kanina is that I look like a Greek God" Sabi niya at bakas sa boses nito ang pangangasar
Well...Mas guwapo nga si Storm kaysa kay Autumn
"Call your driver and tell him that you are with me, And that I will be the one taking you home" Sabi niya at nagtaka naman ako
"How did you know that my driver is a him?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kilay ko
"Your driver and I are close, he is someone I know personally" Sabi niya habang nagmamaneho
"Personally?" tanong ko at tumango naman siya at napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakita na may nakalagay na 'private property' dun sa parang gate ng lugar
"Hoy! Private property to" Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin
"You're trespassing you know that?" tanong ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin
"We're here!" masaya niyang anunsyo at lumabas na ng kotse at akmang bubuksan ko na sana ang pinto pero inunahan na niya ako bago inilahad ang kamay niya sa'kin kaya napangiti ako
Gentleman nga siya
Agad ko namang tinanggap ang kamay niya at namangha naman sa nakita ko ng makalabas ako ng kotse
"Wow..." yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko dahil sa ganda ng tanawin
"I own this place" bulong niya sa'kin at napaigtad naman ako dahil sa lapit niya sa'kin
"It's beautiful here" Sabi ko at nilanghap yung sariwang hangin sa paligid
"Anong balak mong gawin dito?" tanong ko sa kaniya at bahagyang iniwan ng tignin ko ang tanawin at tumingin na muna sa kaniya
"Gagawing rest house" Sabi niya at napangiti naman ako
Yung lugar tahimik siya, malapit sa karagatan maraming puno na nakapalibot dito malawak din siya hindi rin masyadong ramdam ang init ng araw at hindi rin naman masyadong ramdam ang lamig ng panahon dahil sa rainy season na ngayon
"That would be nice, puwede pa rin naman ako dito pag nangyari yun, right?" tanong ko at natawa naman siya bago tumingin din sa'kin at tumango
"As if naman kaya kong tutulan ang desisyon ng isang Marquees ng House of Valentino" Sabi niya at nawala naman ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya
"Why?" tanong niya
"Wala" Sagot ko at huminga ng malalim
"Hindi mo ba tatanggapin yung puwesto?" tanong niya
"Hindi ako sure" Sabi ko at nginitian siya
"Bakit? Pag hindi ko ba tinanggap yung puwesto na iyon, hindi ka na makikipagkaibigan sa'kin?" tanong ko at umiling naman siya
"Kahit naman hindi mo tanggapin yung puwesto na iyon, you're still princess with or without the title" Sabi niya at napangiti naman ako
"Does Autumn know?" tanong niya
"Alam ba niya na ang babaeng humahabol-habol at nanliligaw sa kaniya ay isang prinsesa?" tanong niya at natauhan naman ako sa tanong na iyon
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...