WINTER'S POV
"Halika na! Bilisan mo!" sigaw ko habang hawak-hawak si Autumn sa pulsuhan at hinihila siya papunta dun sa bay area sa may pinakalikuran ng mall
"Sorry po" paghingi ng tawad ni Autumn sa mga nababanga namin
"We're here" pag-anunsyo ko at hindi pa rin binibitawan ang pulsuhan niya
"Ano ba kasing gusto mong makita dito at sobrang excited ka naman ata?" tanong niya at tinignan ko naman siya sabay ngiti
"Yung sunset" sagot ko bago tumingin sa dalampasigan at dun sa palubog na araw
"Ang ganda, Hindi ba?" tanong ko sa kaniya
"Oo, maganda nga" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at nakita na sa ibang direksyon siya nakatingin at mahina naman akong natawa dahil dun
"Tignan mo kasi" Sabi ko at nilapat ang palad ko sa magkabilang tenga niya at iniharap ang ulo niya sa tanawin
"Oh yan, ngayon mo ako sagutin maganda diba?" tanong ko ulit at tumingin naman siya sa'kin at humarap ulit dun sa sunset
"Maganda nga" Sabi niya bago ngumiti
Tinanggal ko naman ang palad ko sa tenga niya at tumingin na rin sa tanawin doon kahit na hindi ganun kalinis ang tubig dun sa dagat, marami na ding basura ang nakakalat sa paligid, it is still a beautiful view for me
"What's so special about this place?" tanong ni Autumn at napatingin naman ako sa kaniya at nakita na nakatingin din siya sa'kin
Ngumiti naman ako bago siya sagutin "Sabi ni Kimon at Daddy lolo, madalas daw dito pumupunta si mommy pagnami-miss niya si Daddy o kaya naman pagmalungkot siya" Sagot ko
"This place is special cause my mom had been here" dagdag ko
"Bakit? Nasaan na ba ang mommy mo?" tanong niya at tumingin naman ako sa unti-unting palubog na araw bago ngumiti
"In heaven" sagot ko at hindi napigilan ang pagtulo ng luha ko "sorry" Sabi ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko bago muling ngumiti
"Kaya sobrang halaga ng lugar na to sa'kin, kasi kahit dito man lang maramdaman ko si mommy" dagdag ko
"Halika" Sabi niya at halos mahigit ko ang aking hininga ng hawakan niya ang kamay ko
"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero imbis na sagutin ay hinila niya lang ako
"Ano to?" tanong ko ng makarating kami sa isang ride sa loob ng mall
"Seriously, Ferris-wheel?" tanong ko "Oo, let's go" Sabi niya at hinila ako papasok sa loob nun
Pero kasi... "No! Dito na lang ako sa labas" pagpupumiglas ko sa kaniya "halika na, sakay na"
"Ayaw ko!" sigaw ko pero agad naman niya akong nahatak papasok sa loob at paupo dun sa upuan
"What's so special about this ride ba?" tanong ko habang di mapakali sa kinauupuan ko "dinala mo ako kung saan lagi pumupunta ang mommy mo, kaya ipapakita ko din sayo kung saan lagi kaming pumupunta ni mommy" Sabi niya
"Dito sa Ferris-wheel na to, favorite ride namin to ni mommy pag may time siya o kaya naman pag-vacation. Pupunta kami sa mga amusement park at una naming sinasakyan ay Ferris-wheel" lintaya niya pero imbis na ngumiti ay napahawak ako sa kamay niya ng magsimulang umandar yung Ferris-wheel
Tinignan ko naman siya at bakas sa mukha nito ang pagtataka sa inaakto ko "I...ahm...I'm Afraid of heights" Sabi ko at awtomatikong nag-init ang pisngi ko ng pagsaklupin niya ang mga kamay namin
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...