CHAPTER 2: HELPING YOU

176 17 0
                                    

WINTER'S POV

"Autumn, okay ka lang ba?" tanong ko at napansin ko naman ang paggalaw ng panga niya

"Pwede ba umalis ka na lang!" bulyaw niya sa'kin

"Winter, halika na" nagulat naman ako ng hatakin ako ni Sun palabas ng classroom

"Sun...Okay lang ba si Autumn?" tanong ko habang hawak pa rin niya ang pulsuhan ko at walang tigil na naglalakad kahit na malayo na kami kay Autumn

"Sun...Sagutin mo ako" hinatak ko naman ang kamay niya papalapit sa'kin kaya napatigil siya sa paglalakad "sagutin mo ako, okay lang ba si Autumn?" tanong ko

"Hindi...Hindi siya okay" simpleng sagot nito at sinimulan na naman akong hilahin at muli ko namang hinatak ang katawan niya papalapit sa'kin

"Bakit?...bakit hindi siya okay?, please sabihin mo sa'kin" tanong ko

"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong niya sa'kin "baka matulungan ko siya" sagot ko tumaas naman ang sulok ng labi niya at marahang natawa

"Ayaw nga niyang sabihin kay Summer na sarili niyang kapatid kung bakit siya nagkakaganyan, sa'kin pa kaya na pinsan lang niya" may halong pagkasarkastiko sa boses niya ng sagutin niya ako

bumagsak naman ang mga balikat ko at napayuko na rin "hey, don't be sad" Sabi niya at hinawakan ang tuktok ng ulo ko

"Hindi ko naman kasi talaga alam, kahit tanungin mo pa kay Summer, hindi niya rin alam" Sabi nito sabay gulo sa buhok ko

maya-maya pa natapos din ang libreng oras namin kaya pumasok na rin kami sa sunod naming Subject, agad kong pinalibot ang mga mata ko hanggang sa matagpuan ko si Autumn, agad naman akong pumunta sa upuan namin at syempre halata sa mukha niya ang pagkainis ng makita ako

"Hey, okay ka na ba?" tanong ko kay Autumn ng makaupo na ako sa tabi niya

"Puwede ba, tigilan mo na ako" Sabi nito "Hindi ka nakakaganda ng mood" dagdag nito

"Gusto kitang tulungan, kung ano mang problema mo" Sabi ko natawa naman siya at tsaka ako tinignan

"Ako ba niloloko mo? At paano mo naman ako matutulungan ha?, kasi as far as I know magiging okay lang ako kung aalis ka na sa buhay ko o kaya naman hahayaan mo akong pahirapan ka..." sabi niya

"So tell me paano mo ako tutulungan? Paano ako tutulungan nang isang Winter Stavros?"

"Willing ka bang pahirapan kita?, willing ka ba maging alipin ko?" tanong nito at hindi naman ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya

Gusto niya akong pahirapan?, Gusto niya akong maging alalay, alipin?, bakit? Ganoon na ba talaga niya ako ka-hate?

"See...Hindi mo alam, mas lalong halata na hindi mo kaya, mukhang narinig mo lang ang magpaalipin na tahimik ka na" malamig na sabi nito at tsaka tumayo na para batiin yung subject teacher namin at tumayo na rin ako pero nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya

nang matapos ang klase namin ay Third recesses na kaya lahat ay nagsipuntahan sa canteen puwera na lang sa'kin na dumiretso sa library, pinilit din ako nina Rain at Summer pero sabi ko wag na kasi busog pa naman talaga ako. Busog kahit hindi naman talaga ako properly na nakapaglunch

Nawala ako sa pag-iisip nang makabungo ako ng isang estudyanteng lalaki

Hmmm, bago siguro?

"Shocks!" mahinang sambit ko ng malaglag yung mga libro na hawak niya

"Sorry, hindi ko sinasadya" Sabi ko

"Okay lang" Sabi nito at tinulungan ko naman siya na pulutin yung mga libro na nahulog

Chasing Sunset?

Napangiti naman ako sa kadahilanan na binabasa ko din ang librong ito

"Binabasa mo to?" tanong ko pero nanlaki naman ang mga mata ko ng makita na ng tuluyan ang mukha nung lalaki

"Naaalala mo pa ba ako?" tanong niya

"I-to n-na y-yung libro mo" Sabi ko at inabot na sa kanya yung libro pero nahulog ito

"s-shit" marahang mura ko sa sarili kong katangahan

Pinulot ko ulit yun at inabot ng maayos sa kanya kahit na nanginginig ang mga kamay ko at nang tuluyan kong maibigay sa kaniya ay agad naman akong umalis sa harapan niya

Shit!

"Wait!" rinig kong sigaw niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ng mapansin kong sinusundan pa rin niya ako ay agad na akong tumakbo at pumasok na sa loob ng banyo at dun na ako nakahinga ng malalim

Muntikan na ako dun

Agad akong pumasok sa loob ng isang cubicle, sinara ang pinto at ni-lock, napaupo na lang ako sa sahig at hindi na napigilang tumulo ang mga luha ko, tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig nang ibang babae ang paghikbi ko

Hinga Winter....Huminga ka. Okay ka na hindi ka na nila sasaktan tumigil ka na sa pagiyak, hindi ka na nila makukuha, tumahaan ka na

Pumasok naman ang isang ideya sa utak ko

Ito ang gusto ni Autumn, ang masaktan ako, gawin na natin to para maging okay na siya—I mean wala na akong magagawa nandito na rin ang bangungot sa buhay ko, bigyan natin nang paggagamitan

Nang maramdaman kong okay na ako ay agad akong lumabas ng cubicle at lumabas na rin sa banyo at dumiretso na sa klase ko

"Sorry po late ako" bungad ko sa guro namin sa Chemistry tumango naman siya kaya dumiretso na ako sa upuan ko

"Okay ka lang?" tanong ni Summer at tumango naman ako bago siya nginitian

"You should be happy" bulong na sabi ko kay Autumn bago pinagpatuloy ang pagsusulat ko at gamit ang peripheral vision ko ay nakita ko siyang nakatingin sa'kin

Siguro halata pa rin ang pamumula ng mga mata ko

"Yes I am happy" Sabi niya at nakita ko rin na tumaas ang sulok ng labi niya

"Winter, you okay?" bulong na tanong ni Rain at tumango naman ako bilang sagot bago siya nginitian

"Tsk!" napatingin naman ako kay Autumn

"Bakit?" tanong ko sa kanya "wala" sagot niya

Lumipas ang ilang oras ay natapos din ang klase, dumiretso kami ni Autumn sa locker. Nang matapos niyang ilagay lahat ng gamit niya ay agad ko siyang hinila papunta sa school garden

"Bitawan mo nga ako!" bulyaw niya habang hila-hila ko siya "sandali lang!" bulyaw ko pabalik at huminto na sa pagtakbo at paghila sa kanya ng marating namin ang school garden

"Ano ba yun?!" pasigaw na tanong niya

"Sabi mo kanina na, magiging okay ka lang kung aalis na ako sa buhay mo o kaya naman kung hahayaan kitang alipinin ako" panimula ko at itinaas naman niya ang kanang kilay niya

"Kaya okay, payag na ako. Magpapaalipin ako sayo" dagdag ko

"Sigurado ka?" tanong niya

"Oo, sure na ako, hahayaan kitang alipinin ako, saktan ako kung gusto mo" sagot ko

"Ang tapang mo" Sabi nito

"Okay, then you're my slave now" dagdag niya

Hindi pa ba?

"No... I'm not" Sabi ko na ikinakunot ng noo niya

"Ganito ang gusto ko, lalayo lang ako sayo kung hahayaan mo ako maging genie mo"

"Huh? Tarantado ka ba?" tanong niya dahil sa sinabi ko

"Meron kang 30 wish starting tommorow July 01, 2019 at pagnaubos na yun, aalis na ako sa buhay mo" paglinaw ko

"One wish lang sa isang araw, bawal din hilingin na mawala ako hanggang sa gusto ko na talagang mawala" Sabi ko tumango-tango naman siya

"Okay, deal" Sabi nito "bala ka na diyan" Sabi niya at umalis na

Nag-stay na muna ako baka kasi magkita na naman kami nung lalaki kanina at nang mapansin kong wala nang masyadong estudyante ay umalis na rin ako at umuwi na

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon