CHAPTER 21: THE GUY

81 12 1
                                    

WINTER'S POV

Nandito pa rin kami ni Autumn sa puwesto namin nagkukuwentuhan ng bagay-bagay pero minsan walang kuwentang mga usapan

"Seryoso?!" gulat na tanong ni Autumn matapos niyang malaman na nag ta-taekwondo ako at higit sa lahat ay 3rd Degree black belter

"How?" tanong niya; gulat na gulat pa rin sa sinabi ko

"Hmm, ako lang kasi ang only girl nun sa palace" sagot nito "and since si Daddy, medyo na pa-paranoid sa paligid ko, ayun. He signed me up for a taekwondo class" lintaya ko

"But I enjoyed it anyways, and ang laking benefit na rin niya" dagdag ko

"Buti ikaw na-enjoy mo, ako kasi hindi. Sinign-up nila ako sa taekwondo kasi maraming may gustong kumidnap sa'kin nung bata ako" Sabi niya

"Same..." Sabi ko at nag-high five naman kami

"Sobrang delikado nang mga buhay natin, pero heto tayo..." sabi niya at natawa naman ako "Nag-aaral sa isang paaralan sa pilipinas at heto pa-kape-kape lang" Sabi niya at natawa naman ako

"Oh! Wait" Sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa office ni Theía Tatiana para kunin yung Polaroid cam ko

(Theía means Aunt in Greek)

"Mukhang...nag-e-enjoy na kayong dalawa ah" Sabi ni theía

(Theía means Aunt in Greek)

"Hmm, Sana nga laging ganito eh" Sabi ko bago lumabas at bumalik sa upuan namin "ngiti ka" Sabi ko at tumabi sa kaniya at tumingin dun sa Polaroid cam

"Ayan..." Sabi ko at kinuha yung film bago hinintay na magkaroon ng picture at bumalik sa upuan ko

"Ay! May nakita ako sa internet..." panimula niya "Sinearch ko to, after nung dinner natin sa bahay niyo dati" Sabi niya at kinuha yung phone niya

"Ito oh, tignan mo" Sabi niya at binigay sa'kin yung phone niya at nanlaki naman ang mga mata ko at napanganga na din sa nabasa ko "Ganiyan din yung naging reaksyon ko" Sabi niya at kinuha mula sa kamay ko yung phone niya

"Sinong mag-aakala na ang driver mo...na si Kimon ay isang Royalty din sa greece" Sabi niya at napatingin sa'kin na gulat pa din

"Okay ka lang ba?" tanong niya "I didn't fucking know that?" sambit ko at natawa naman siya

"Halos lagi siyang nandiyan for our family ever since bata pa ako, para ko na nga siyang Daddy eh" Sabi ko

"Tapos royalty din pala siya?!" gulat na sabi ko na ikinatawa lalo ni Autumn "Hindi nakakatawa to!" Sabi ko at ngumuso bago uminom nang tubig

"Speaking of Kimon..." Sabi ni Autumn at napalingon naman ako at nakita si Kimon sa may labas ng café

"Bakit hindi siya pumasok?" tanong ko at nagtatakang tumingin kay Autumn; pero pati din siya ay hindi rin alam kung bakit

"Sandali lang" Sabi ko bago tumayo at lumabas ng café "Kimon, ba't di ka po pumasok dun?" tanong ko sa kaniya

"I'm fine Winter, tsaka nandito lang naman ako para sunduin ka kasi matatagalan pa daw yung kuya mo dun sa airport" Sabi niya

"Ahhhh, ganun ba?" ani ko at tumango naman ito "Nag-uusap pa kasi kami ni Autumn eh, pasok ka na muna" Sabi ko at umiling naman siya

"Halika na" Sabi ko at hinila siya papasok at nagtagumpay naman ako

Nang makapasok kami sa loob ay agad na tumunog yung bell sa may pinto kaya lumabas si Theía sa office niya

(Theía means Aunt in Greek)

"Welcome to Tat-" hindi na natapos ni Theía yung sasabihin niya dahil natulala siya sa may direksyon namin ni Kimon at ganun din si Kimon tila natulala din ng makita si theía

(Theía means Aunt in Greek)

"Ahm? What's happening?" tanong ko at umalis na muna sa tabi niya at pinuntahan ang nakatayong bulto na rin ni Autumn

"Anong nangyayari?" tanong ko dito "Where are you going?" tanong ko ng makita ko siyang naglalakad papalapit kay Kimon

"Wait..." Sabi niya at pinuntahan si Kimon at pinalakad papalapit sa puwesto namin

At nang magawa niya iyon ay pinuntahan naman niya si Theía at diniretso din sa puwesto namin

(Theía means Aunt in Greek)

So bale magkaharap si Theía at si Kimon habang si Autumn naman pinaatras ako ng kaunti sa kanilang dalawa

(Theía means Aunt in Greek)

"Mind explaining kung ano pong nangyayari?" tanong ko

"May past ba?" tanong ni Autumn pero imbis na sagutin ang mga tanong namin ay iba ang sinabi ni Theía

(Theía means Aunt in Greek)

"Ahm-ah...Welcome to Tatiana's Café" Sabi ni Theía kay Kimon

(Theía means Aunt in Greek)

"Nice to see you again..." dagdag nito bago umalis at pumasok muli sa office nito

"Again?" tanong ko at sa sobrang gulo ay pinuntahan ko si Theía sa office niya at natagpuan siyang napa-paranoid

(Theía means aunt in Greek)

"Okay...what's happening?" tanong ko at tinitigan naman niya ako at nilapitan bago hinawakan ang mag kabila kong braso

"Naaalala mo yung kinuwento ko sayo kanina?" tanong niya at tumango naman ako

"Yung tungkol sa royalty na nagustuhan mo pero ikinasal sa iba? Oo, pero anong kinalaman ni Kimon-" naputol naman ang sasabihin ko ng sumagot siya

"It's him!" bulyaw niya sa'kin at agad naman akong nagulat "Kimon is the guy from my story" dagdag nito

"Oh my god!" Tili ko sa sobrang kilig

"Seryoso ka bang bata ka?!" pabulyaw na tanong niya "kinikilig ka?" tanong niya at tumango naman ako

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon