WINTER'S POV
Matapos ang dinner sa mga Velez ay agad akong hinatid ni Autumn pauwi sa bahay namin. Mga one o'clock na ng gabi ay gising pa din ako, sa tingin ko inaatake na naman ako ng insomnia kaya naisipan kong lumabas ng kuwarto at pumunta ng kusina para kumuha ng gatas bago dumiretso sa sala at binuksan ang tv para magpaantok
Habang nanunuod ng isang Thai Series ay napatingin naman ako sa hagdan ng makita si Daddy; ngumiti naman ako bago umusog para maka-upo ito sa tabi ko
"i prinkípissa mou" Sabi ni Daddy at tumabi sa'kin sa sofa bago ako yakapin
(i prinkípissa mou means my princess in Greek)
Agad ko naman siyang niyakap pabalik at sinandal na din ang ulo ko sa dibdib niya "I miss you..." Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman ito bago halikan ang noo ko
"Daddy miss you too, hija" Sabi niya at napangiti naman ako
Nabalot naman kami ng katahimik though it's not awkward it's calming...
"Yung ipapakilala mo ba sa'kin..." pagsira nito sa katahimikan "Gaano siya ka-importante sayo?" tanong niya at umayos naman ako ng upo para tignan si Daddy mata sa mata
"Sobra..." simpleng sagot ko bago ngumiti pero agad ding nawala nang maalala kung anong araw na ngayon
Nawala naman ako sa iniisip ko ng tumayo si Daddy at umilaw ang phone ko kaagad ko naman itong kinuha bago basahin ang message sa'kin
Count Velez: gising ka pa?
Marquess Stavros: hmmm, Bakit?
Count Velez: masyado kasi tayong na-occupied ng dalawang araw, Hindi ko tuloy na sabi yung 22nd tsaka 23rd wish ko
Natauhan naman ako sa sinabi nito
Marquess Stavros: Oo nga nuh
Marquess Stavros: Sige ano ba yung wish mo try ko tuparin
Nang ma-send ko yon ay nakaupo na si Daddy sa tabi ko kaya agad kong sinara ang phone ko bago kumuha ng cookies sa plato nito
"Kamusta naman sa Greece Daddy?" tanong ko kay Daddy bago kagatan ang cookies ko
"Okay lang, ganun pa din" Sabi nito at napangiti naman ako "Hindi ka naman nila pinapagod masyado, hindi ba?" tanong ko
"They're treating me perfectly, Hija. No need to worry..." sabi nito bago muling tinuon ang tingin sa Tv "Ito ba yung sikat na palabas ngayon?" tanong nito at tumango naman ako
"Maganda ha..." sabi nito at napangiti naman ako
Muli ko naman binuksan ang phone ng umilaw ito
Count Velez: 22nd wish-akyat ka sa kuwarto mo
Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka sa naging message nito
Marquess Stavros: why?
Count Velez: basta...
Dahil dun ay pinatay ko na ang Phone ko at tumayo
"Daddy, akyat na ako sa kuwarto ko—Night night" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago umakyat sa kuwarto ko
At nang makapasok ako ay nagulat naman ako ng makita si Autumn na nasa balkonahe ng kuwarto ko
"Hi..." ani niya habang kinakawayan ako
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko bago sinara at ni-lock ang pinto sa kuwarto ko bago binuksan ang pinto sa balkonahe
Agad naman niya akong niyakap bago halikan ang noo ko "Paano ka nakapunta diyan?" tanong ko; gulat na gulat pa rin
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...