CHAPTER 37: JEALOUS

85 12 0
                                    

WINTER'S POV

"So, ano na nga kuya?" tanong ko kay Kuya Forrest "Tumigil ka na nga" Sabi niya at tumango naman ako bago siya tinigilan at inuman ang juice ko

"Okay" ani ko bago sumandal sa gilid ng pool "pero alam mo kuya kahit ano ka pa, tanggap kita" Sabi ko

"Kasi para na rin kitang tunay na kuya tsaka mabait ka sa'kin kaya alam ko na hindi mo ako hahayaang masaktan" dagdag ko

"Thanks...Kasi tanggap mo ko kahit ano pa ako, and don't worry gagawin ko lahat para hindi ka masaktan" Sabi niya at niyakap ko naman siya

"So, Oo yung sagot?" Tanong ko at natawa naman kami bago naghiwalay ang mga katawan namin

"Winter..." pagtawag niya sa'kin at muli ko naman siyang tinignan "Paano kapag natapos na yung month na to, Anong gagawin mo?" tanong niya

"If Autumn wants me to stay—I'll stay. Pero kung ayaw na niya, then I'll leave" sagot ko at medyo nasaktan sa ideya na iyon pero yun na talaga ang plano ko simula pa nung una

Huminga naman ako ng malalim bago pinagmasdan ang kalangitan "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Autumn nang tumabi na ito sa'kin

"Oo nga, anong pinag-uusapan niyo?" sunod na tanong ni Storm at pumuwesto sa gitna namin ni kuya Forrest

"Wala" sagot ko bago sinandal ang ulo sa balikat ni Autumn

I'll just enjoy this moment habang meron pa akong pagkakataon na makasama ka "just tell me if you want me to stay..." mahinang sabi ko bago inangatan ng tingin si Autumn at nginitian siya at mas napangiti ako ng ngumiti siya pabalik sa'kin bago ko muling binalik ang ulo ko sa pagkakapuwesto nito sa balikat niya

Kinabukasan pagpasok ko sa school ay dumiretso ako sa locker at habang kinukuha ang gamit na kailangan ko ay hindi ko naman maiwasan ang magtaka kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong kinakabahan—alangan namang kinikilig...I mean ano? Kinikilig ako dahil sa hangin? Anong kabaliwan to?!

"Winter" napalingon naman ako dahil dun

Akala ko kaya ang bilis ng tibok ng puso ko dahil natatakot ako o kinakabahan. Pero ngayon sure na ako na parehas "Liam...Oshea" ani ko ng tuluyang magtagpo ang mga mata namin

"Here..." Sabi nila at inabot sa'kin ang isang paper bag

"Kahit na matagal na panahon na ang nakalipas. Winter, we're really sorry" sabi nila at lumayo naman ako ng hahawakan sana ni Liam ang kamay ko "Alam namin na nakatulong kami, pero na trauma ka pa din" Sabi ni Oshea at agad ko naman silang niyakap parehas

"It's fine...It's fine" Sabi ko

Well...Kung gusto kong gumaling, I need to face and hug my fear, right?

"I hope we can be friends though-" Sabi ko at tumango naman sila

"Yeah...We would love that..." Sabi nila at napangiti naman ako bago matapang na hinawakan ang mga kamay nila

"I'm also sorry" sabi ko at nagtaka naman sila parehas "Kasi hindi sana kayo...mawawalan ng tatay kundi sa'kin" Sabi ko at umiling naman sila bago ako niyakap

"Hindi ka dapat mag sorry tungkol diyan. Sobrang thankful kami dahil sa ginawa mo..." sabi nito at naluha naman ako "Kung hindi nakulong ang Tatay namin, baka meron ulit taong magaya sayo o mabiktima ang tatay namin"

"Don't worry, okay lang kami" Sabi nila at tumango naman ako bago humiwalay sa yakap

Pinunasan naman ni Liam ang pisngi ko bago namin nginitian ang isa't-isa "Una na kami. See you around" Sabi nila at kinawayan ko naman sila

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon