CHAPTER 35: TWO WISH

68 12 1
                                    

FORREST'S POV

"Sakay na bilis!" bulyaw ko sa medyo lasing kong kapatid papasok sa loob ng kotse ko

"Una na kami, Forrest" napalingon naman ako kena Storm dahil dun at kinawayan ko naman sila

"Ano ba kuya! Umayos ka nga" inis na sabi ni Storm sa lasing na kapatid bago ito alalayan pumasok sa kotse

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya ng makasakay na ako sa driver seat

"I'm tipsy" Sabi niya at tumango naman ako

Siguro nga medyo lasing lang siya nung nasabi niya yun, pero putangina! Hindi pa rin tama yun. Habang nagmamaneho ako pauwi ay napatingin naman ako sa rear-view mirror ng bigla siyang magsalita

"Hello Winter..." Sabi niya habang hawak-hawak ang cellphone nito na nakatapat sa kaliwang tenga nito "Tulog ka na ba?" tanong nito at halata ang pag-aalangan sa boses

"Sorry...Sige, bukas na lang. Tulog ka na lang ulit, goodnight" Sabi nito bago pinatay ang tawag

Maniniwala na sana ako na talaga ngang nag-aalangan siya pero baka natatakot lang siya na madulas sa mga sasabihin niya lalo na ngayon na lasing ito at bigla ko naman naalala yung mga sinabi niya kanina

"Mabait nga siya. Believe me Winter is head over heels for me, kaya hinding-hindi niya malalaman na umaarte lang ako" Sabi nito

"Fuck!" bulyaw niya nang bigla kong ihinto ang sasakyan

"What's wrong with you?!" tanong niya at nilingon ko naman siya "nandito na tayo" Sabi ko at bumaba naman siya bago ako sumunod

Habang naglalakad siya sa unahan ko ay paulit-ulit kong naiisip lahat ng sinabi niya kanina

"Mabait nga siya. Believe me Winter is head over heels for me, kaya hinding-hindi niya malalaman na umaarte lang ako" Sabi nito

"Winter is head over heels for me"

"Kaya hinding-hindi niya malalaman na umaarte lang ako"

"Na umaarte lang ako"

"Umaarte lang ako"

"Fuck you!" singhal ko bago sinapak ang kapatid ko ng maiharap ko ito sa'kin matapos kong magmura

"Forrest!" napalingon naman ako dahil sa boses ni mommy

"Anong ginagawa mo?! Bakit mo sinapak ang kapatid mo?" tanong ni mommy

"I'm drunk" pagsisinungaling ko pero mukhang hindi iyon sapat na excuse para maniwala si Mommy

Nilapitan naman ako nito bago hawakan ang magkabila kong pisngi "Anak, May problema ba? Hindi ka naman ganito pag lasing" sabi nito at niyakap ko naman siya bago halikan ang noo niya

"Wala po. Magpahinga ka na, Ma" sabi ko dito at tumango naman ito "Kaya na ni Autumn ang sarili niya, malaki na yan" sabi ko bago galit na umakyat at pumasok sa kuwarto ko

Nahiga naman ako sa kama at pinagmasdan ang kisame ng ilang minuto "This is messed up. Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan si Winter" Sabi ko sa sarili bago nagtungo sa banyo at naligo bago nagbihis at dumiretso sa kama para matulog na

Kinabukasan sabay kaming pumasok nina Autumn at Summer sa school at habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Storm

"Forrest? Anong ginagawa mo dito? Diba dun sa kabilang building ang classroom mo" Sabi niya

"Paano mo nalaman na nandun ang classroom ko?" tanong ko "naglibot-libot ako" Sabi niya at tumango-tango naman ako

"Si Winter? Nandito na ba siya?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon