Lyric 2: Ikaw

133 11 5
                                    

Sa mundong maingay
May isang nilalang akong nakita
Sa pagitan ng gabi at umaga
Isang nilalang na ikaw

Nang ikaw ay pumasok
Sa mundo ko may tumusok
Nagsasabing ikaw na nga

Ayaw man papasukin ng aking isip
Ngunit ang puso ay tuso
ikaw ay pinapasok

Nang ikaw ay makapasok
Mundo ko'y nagkaroon ng ligaya
Nabuksan ang pintuang nakasara

Kaluluwa'y nagsimulang yakapin ang yakap ng saya
Ligayang dulot mo ay musika
Sa aking mundo
Sa iyong mundo

Ikaw at ako ay iisa
May iisang ikaw at iisang ako
Sa kanta na ikaw at ako ang sumulat

Ang kantang iyon ay tayo
Oo. Tayo, tayo, may tayo
Kase ikaw at ako ay may tinatawag na tayo

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon