Lyric 34: Wag mong hintayin

30 4 1
                                    

Ang mga agos ng aking natural na tamis
Ang daloy ng aking mga ngiti
Ang lawak ng lupain ng aking pang unawa
Ang kalawakan ng aking pagpapasensya
At ang dagat ng aking pagmamahal

Lahat nang iyan ay para sayo
Dahil special ka sa akin.

Susungkitin ko ang mga tala at ibibigay sayo
Dahil special ka sa akin

Special meaning to say, mahalaga ka
Special meaning to say, importante ka

Pero, lahat ng iyan ay magiging bula
Kung ang isang tulad ko ay pababayaan mo
Ang pagmukhain akong inutil, walang alam, at paasahin mo

Ngayon palang sasampalin kita ng aking mga salita na;

Wag mong hintayin na ang natural na agos ng aking tamis ay maging isang lawa ng pait

Wag mong hintayin na ang daloy ng aking mga ngiti ay mapalitan ng sapa ng simangot

Wag mong hintayin na ang lawak ng lupain ng aking pang unawa ay maging paso ng init ng ulo

Wag mong hintayin na ang kalawakan ng aking pasensya ay maging impyerno ng galit

Higit sa lahat wag mong hintayin na ang dagat ng aking pagmamahal ay mapalitan ng dagat ng sumpa

Lahat ng iyan, ay kaya kong gawin
Dahil kaya din kitang iwan
Dahil kahit special ka sakin
Ako'y may lakas ng sampung kamay
Para ikaw ay paliparin sa kawalan

Kaya wag na wag mong hintayin
Dahil sa ilalim ng mabuti kong puso
Ay may nakakubling sungay
Kung ako ay pababayaan
At pagmumukhain mong walang kwenta

Wag mong hintayin...
Wag mong hintayin...

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon