Sabi nila bakit ba sya?
Sabi nila bakit di na lang iba?
Ang dami daming nilang sinasabi
Tenga ko'y barado na
Puso ko'y puputok na
Isip ko'y magigiba naPero tanong ko din sa aking sarili bakit nga ba siya?
Isip ko'y walang maisagot kung bakit siya
Pero puso ko'y may maliwanag sa sagot
Mga sagot na nakakalagot
Nakakalagot ng hininga kung iisa isahin.Wika ng puso ko, simple lang naman kung bakit siya, kase mahal mo siya
Kaso ang isip ko'y maldita
At sumagot ng mahal ka ba?Boom! Sapul! Sabi ng kaluluwa ko
Ako'y natauhan sa linyang iyon
Pero puso ko'y di ko maiwanItong nadarama ko'y isang sugal
Sugal na kung saan ako'y pwedeng manalo o mataloKung ako'y matatalo, ako'y hihimlay ng masaya kase ikaw ay naging bahagi ng aking kwento't pahina
Kung ako'y mananalo, tayong dalawa'y magdiriwang at bubuo ng isang kwento
Kwento na kung saan ikaw at ako ang siyang bida.
Ngunit, kinaumagahan
Nang ikaw ay muling nasilayan
Isang tanong ang muling bumungad
Sa umagang namumukakadTanong na tanging puso ko lamang ang makakasagot
"Bakit nga ba siya?"
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?