Lyric: 27 Sikreto

33 4 0
                                    

Ang sikreto ay bahagi ng pagkatao
Lahat ng tao ay meron nito
Di lahat ng tao ay may magandang pagkatao...

Minsan yung iba ay nakatago
Nakatago sa mundo ng isang sikreto
Sikreto na dapat ay sayo

Oo, dapat sayo lang...

Sa henerasyon na ang tiwala ay mahirap ibigay
Bakit ang sikreto ay ibibigay
Kung sa pagbigay nito, isang pagkatao ang madidiskubre

Madidiskubre na maaring ikabagsak mo
Madidiskubre na maaring maging rason para ang lahat ay lumayo

Sa henerasyon na puno ng paimbabaw na tao
Na akala mo totoo pero hindi sino ka? Sino ka? At sino kaba? Para ang sikreto ko ay malaman mo?
Para ano? Siraan ako? Siraan sila? Siraan ang buong tao?

Matagal na akong durog
Matagal nang kaluluwa ko ay busog
Busog sa suntok ni Haring Insulto
Busog sa sipa ni Reynang Panlalait

Kaya sino kaba? Para hukayin ang bangkay ko?
Ang sikreto ng pagkatao ko?

Kasi alam mo, alam mo, alam mo?

Ang sikreto ay isang mahika
Mahika na dadalhin ka sa iba't ibang pahina

Ang sikreto ay para sayo
Oo, dapat para sayo lang

Kasi, kasi, kasi, alam mo
Di lahat ng tao ay karapat dapat para matuklasan ito kasi
Sa henerasyon na ang tao ay paimbabaw isa lang ang totoo

At yun ay ang sikreto na tanging sayo
Sayo lang galing

At yun ang sikreto na tanging ikaw, oo ikaw lang ang nakaalam.

Dahil ang sikreto ay isang bahagi ng pagkatao
Na bawat tao sa mundo ay meron nito.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon