Lyric 28: Ligaw tingin

35 6 0
                                    

Paligaw ligaw tingin
Paligaw ligaw tingin

Sa tuwing nandiyan ka,
Ang tibok ng puso ko ay bumibilis!
"Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!"
Ang isip ko ay tumatakbo
Nagdidiktang lumapit sa iyo.

Ngunit, sa tuwing lalapit ka,
Ang kaluluwa ko ay nahihiya

Ngunit, pag nandyan kana
Ang mga nais kong sabihin sayo ay
Di ko magawa

Paligaw ligaw tingin
Lingid sa iyong kaalaman
Na ikaw ang aking inspirasyon

Inspirasyon na syang dahilan
Kung bakit gustong magsikap
Inspirasyon na syang dahilan
Kung bakit ako ay yumayakap

Yumayakap sa konsepto na
Ang bawat tao ay may rason
Rason para maging masaya
Rason para sa isang kaligayahan

Bakit ko pipigilan kung ito ang rason ng bawat pagsayaw ng araw sa umaga
At pag ngiti ng buwan sa gabi

Sa puntong ito, gustong gusto ko  nang magtapat...
Kaso sa tuwing ikaw ay nasa tapat...
Ang mga salitang nais kong sabihin ay nauuwi sa isang ligaw tingin

Paligaw ligaw tingin!
Paligaw!
Ligaw!
Tingin!

Mundo ko'y tumigil nang sa puntong ito ay...

"Oy! John Paul! Kanina ka pa nagsasalita! Sino bang kausap mo?"

"Carmela! Ah eh... Wala"

Tumigil lalo ang mundo ng sambitin ni Carmela ang linyang

"Oo, John Paul, mahal din kita"

Ang paligaw ligaw tingin
Ay nauwi sa isang ligawan
Ligawan na may kasamang sigawan

Paligaw ligaw tingin
Ang tibok ng puso ko ay bumibilis! Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon