Lyric 9: Oras

57 7 1
                                    

Ang oras ay mahalaga
Sa bawat araw ay may oras na nakatalaga
Inilalaan para sa bawat gawain

Ang oras na meron ako at ikaw
Ay tumatakbo
Ang oras na binubuo ng segundo
Na nagiging minuto
Hanggang sa ito ay tuluyang mabuo

Ang oras ay may pang nakaraan, pangkasalukuyan, at panghinaharap na bahagi

Sa puntong ito, naitanong mo na ba sa iyong sarili?

Naitanong mo na ba kung ano na ang nagawa mo sa oras na ito?

Nailibing mo na ba ang katawan ng nakaraan?

Handa ka ba sa pangkasalukuyang buhay?

Bukas ka ba sa oportunidad ng pang hinaharap?

Iyang mga taong na iyan, mga tanong na dapat ay iyong naihahabi

Kase kung hindi
Ang oras ay mamatay
Ang buhay ay di na mag aalay
Mag aalay ng rason

Rason kung bakit ikaw at ako ay humihinga

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon