Ako'y pangiti ngiti
Sa mga agos ng salita na binibitawan ng iyong mga labi
Ako'y pakinig kinig sa mga sinasabi mong
Nakakapanghina ng pandinig
Gusto ko man magsabi at pumalag
Pero pinili ko nalang na manahimik
At sa mag sa walang imikSa bawat komento mo, nadudurog yung ako.
Yung pagkatao ko.
Ginagawa man nating laro
Ginagawa man nating biro
Pero ang kaluluwa ko ay nagdudugo
Nagdudugo habang di mo nakikita ang mukha ng aking mga sakripisyo
Pero ang diwa kong wala ng huwisyo
Ay pinipilit pa ding bumangon dahil ako ay may misyon
Misyon na ikaw ay maturuan
Misyon na ikaw ay magkaroon ng karununganNgunit sa puntong ito. Kayong mga kabataan!
di ko kayo maunawaan!
Kapag mabuti madami kayong sinasabi
Kapag masama madami kayong kudaAng isang ina na tulad ko sa inang bayan ay saan na nga ba lulugar?
Di kami perpekto
Di ka din perpekto
Ang hukay na pupuntahan natin kay kamatayan ay iisa langKaya bago ka magbitaw ng pana
Nang makasalang pana sa iyong ina
Siguraduhin mo muna na naiintindihan mo ang aming katayuan
Kase kung hindi isa lang ang masasabi koAko'y pangiti ngiti sa mga salitang di mo pinag iisipan
Mga salitang akala mo ay okay lang
Pero hindi.Kase sa puntong ito, tatanungin kita kabataan, saan nga ba ako lulugar?
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poesía-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?