Lyric 116: Lungkot

22 1 0
                                    

Ano ba ang pagdurusa na ibinigay mo, O Mundo.

Ang buhay ko ay umiikot sa pagkikikapwa tao,

Pero dahil sayo, lungkot na ang nasa aking mundo,

Yung ingay na pagkalakas lakas, ay napalitan ng Malakas na katahimikan,
Yung tawanan na napalitan ang iyakan,

Yung noon kasama mo sila, pero ngayon ay hindi na,
Yung gusto mo ng makalaya kaso, dahil sa sumpa
Ay hindi mo magawa,

Minsan gusto ko nalang na magtago sa kumot ng mga panaginip
At umidlip
At isipin na ang lahat nang ito ay panaginip lang.

Sana dumating yung araw na muli kong masilayan
Ang mga magagandang tanawin
Muli kong mayakap ang mga taong mahal ko,
Muli akong makapamasyal sa iyong mga magandang lupain
O' mundo, mundo, sana, gumaling kana.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon