Unang taon ko sa kolehiyo
Nang makakita ako ng isang diwata,
Ang kanyang alindog ay kakaibaLahat ng mga dumadaan ay napapahanga
Aba! Kakaiba, oo tunay na kakaiba
Ang kanyang mga ngiti'y nakakabighani
Ang kanyang mga mata ay nangungusap
Nangungusap at tumatawag ng isang
Imbitasyon,Imbitasyon, ng pakikipag kapwa tao!
Kaso, sa sobrang hiya ko,
Kinain ako ng lupa,
At nauwi na lamang ang mga matang
Nangungusap sa isang sulyap
Kada araw sa isang diwata!
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?