Lyric 45: Ayaw ko na Sana

28 4 0
                                    

Ayaw ko na sana
Pero sa tuwing multo ng nakaraan ay nandiyan

Ako ay napapatigil
Kahit anong pigil

Sarili'y ayaw tumigil
Sa pagbuo ng imahe
Na dinurog ng nakaraan

Ang aking mga pakpak
Ay gustong lumaya
Lumaya sa bisig ng nakaraan

Ayaw ko na sana
Pero sa tuwing multo ng nakaraan
Ay nagpaparamdam

Lahat ng sugat ay bumabalik
Lahat ng sinabi ay humahalik
Sa kamay ng malungkot na nakaraan

Ngayon, hawak ko ang imahe ng nakaraan
Imahe na nabasag at nadurog

Nang mapanghusga mong mga salita

Ayaw ko na, ayaw ko nang muling matagpuan ang sarili ko sa bisig ng kalungkutan

Kaya naman... Sa puntong ito

Ayaw ko na sana,
Ayaw ko na sana
Kase di na akong
Muling

Makikipagkita sa isang bulaang
Katulad mo.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon