Lyric 43: Kung papasok ka

32 4 0
                                    

Kung papasok ka sa buhay ko

Binabantaan na kita

Kung papasok ka sa buhay ko
Para lang lasunin ang isip ko
Isip ko sa pagpapakitang tao mo

Ngayon palang ay umalis kana

Kung papasok ka sa buhay ko
Para lang durugin ang pagkatao ko

Ngayon palang hawakan mo na ang pinto

At umalis kana

Sawa na ako sa mga taong
Nandiyan lang kapag masaya ka

Sawa na ako sa mga taong
Nakikita lang ang mga maganda sayo

Pero di ka naiintindihan

Ang buhay ko ay isang kwento
Kung di mo maiintindihan
Magbasa ka ng mabuti

Kung ayaw mong intindihan
Ang dalawang pintuan ko ay bukas

Bukas upang umalis kana.

Kung papasok ka sa buhay ko
Binabantaan na kita

Lagi lang nandyan ang pintuan para umalis kana.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon