Lyric 48: CELLPHONE

25 2 0
                                    

Ang dami daming mga kabataan ang
Nilalamon ng sobrang kalungkutan
Nilalamon ng kadiliman
Nilalamon ng mga masasamang kampon ng kadiliman
Nilalamon ng kapabayaan

Itong makabagong henerasyon
Ay nakakalimot sa kung paano mamuhay ng simple at masaya
Bakit nga ba?

Kaunting galaw, cellphone
Kakain, cellphone
Matutulog, cellphone
Nagkaklase, cellphone
Family bonding, cellphone
Beauty standards, cellphone

Kumbaga para matanggap ka sa lipunan
Dapat lahat ng bagay ay nakaayon sa kung ano ang sinasabi ng social media at cellphone.

Ayon ang resulta,

Ang dami daming kabataan ang kinain ng sistema
Sistema ng makamundong mundo.

Taon taong may buhay na nagwawakas.

Taon taong may mga kabataan na di na kinaya ang mabuhay

Taon taong may mga tao nawawalan ng pananampalataya.

Taon taong may mga tao na nawawalan ng panginoon

Nakakatakot, nakakatakot, at nakakatakot. 

Baka dumating sa punto na sa muling pagbangon ko at pagmulat ng aking mga mata

Ang mga patayan ay natural na lamang
Tulad ng pagpaslang sa mga hayop

Ang kalaswaan ay maging natural na libangan na lamang ng mga tao.

Ang pagyakap sa sistema ng teknolohiya ay maging buhay ng bawat tao.

Cellphone, cellphone, at cellphone

Isang bagay tungo sa makabagong komunikasyon

Ngunit, kung walang limitasyon

Sa aking palagay, tayo ay dapat maghanda sa susunod na henerasyon

Henerasyon na balot ng kalungkutan

Gawa ng pagyakap sa sistemang ito.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon