Judgerist? Ano yan bagong bokabularyo?
Enteng, pinasearch ko yan kay Andeng
Kaso, wala naman atang ganyang salita,Ano imbento ka, kuya?
Ano sis, ano ghorl! Para kayong mga natataranta
Natatarantang Gorilla!Pero at least na curious ka, sa nagbabasa nito
Napaisip ka din ba? Totoo ba na may judgerist?
Tama ba na judgerist? O dapat judger? O di kaya
Naman judgemental?Eh kung hampasin ko kaya kayo ng metal?
Para solido!So eto nga, Tila di ko maunawaan, bakit sa dinami dami
Nang nilikha
Bakit sa dinami dami ng pwedeng maging nilalang
Bakit tila may immortal?Yung mga tinatawag natin na judgerist?
Oo, tama ka ng pagkakarinig, judgerist ngaSila yung mga nilalang na kulang sa aruga
Sabagay, baka mga magulang nila ay pabaya
Sa sobrang pagpapabayaNakalimutan na nila na yumakap sa tamang asal
Nakalimutan na nila na tumawag sa Diyos para magdasal
Kaya ang mga salita na lumalabas sa kanilang mga labi
Ay pinag tagpi tagpingPanghuhusga,
Pang iinsulto sa kapwaO panlalait na akala mo
Sa kanila'y walang pangit
Na wari nila sa kanila na ang langitNgayon na alam mo na kung ano sila,
Dapat mo pa ba silang bigyang pansin?
Dapat ba na gumanti ka din?
Dapat ba na ibalik mo ang mga panlalait
Sa mga pangit
Na ito,Oo, pangit sila, kase kulang sila sa aruga
Pangit ang kanilang kalooban
Kaya bilang nilalang na marunong makaunawa
Sila ay bagkus ipagdasal na lamang
Ipagdasal na sana magkaroon din ng maganda
Sa kanilang buhayUpang ang pagiging judgerist ay kanilang talikuran.
So, sa huli ano man ang maging katawagan,
Judgerist, judger, o judgemental
Lagi mong iisipin na ikaw ay malakas tulad ng isang metalUpang idalangin ang mga ganitong nilalang
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?