Lyric 89: Lettera

29 1 0
                                    

Lettera, hango sa banyagang wika
Na ang ibig sabihin ay Letra

Sa pagkakataong, mga laman ng aking damdamin
Ay di ko maikanta ng malakas,
Ikaw ang siyang nagsilbing boses

Nagsilbing boses para sa nilalaman ng isip ko,
Di ako yung taong literal na kumakanta
O yung taong kusang sumasambit ng wika
Gamit ang mga labi

Sapagkat ako ay laging nasa tabi at
Panulat ang aking gamit
Kaya Lettera salamat sa pagdating sa mundo ko,

Salamat sa pagpayag, na maihayag
Ang aking damdamin, sa pamamagitan mo

Sayo ko natuklasan na kaya ko pala mag isip
Sayo ko natutuhan kung paano magpahayag
At ganito pala iyon, Lettera
Walang kasing saya!

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon