Sa pananatili ko sa mundo,
Napagtanto ko.Na kaya magulo
Kasi kulang tayo sa pang unawaMagaling tayong manghusga
Base sa debuhoPero, naunawaan ba nating mismong nilalaman ng isang hinulma?
Hinulmang nilalang?
Alam mo ba kung ano ang kanyang nararamdaman?
Alam mo ba kung ano ang epekto ng mga salitang binitawan mo?
Nauunawaan mo ba ang totoong dahilan kung bakit siya o sila ganun?
Ang totoo ay hindi
Kaya di ka ba nagtataka
Na patuloy na pumapalahaw
Ang mundo,Umiiyak, dahil sa kanyang mga tao
Ay kulang sa pang unawa.Sana dumating yung sikat ng araw na kung saan bawat tao ay matutuhan
Ang konsepto ng totoong pang unawaYung totoong nauunawaan ka
Yung totoong makikinig para sayo
Yung tunay at di bulaan
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Поэзия-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?