Bakit mo ipipilit ang sarili mo sa bagay na di ka bagay?
Isang tanong na narinig ko sa dalawang magkaibigang nag uusap sa daan... Kung sabagay...
"Bakit mo ipipilit ang sarili mo sa bagay na di ka bagay?"
Sa totoo lang, ano ba ang mangyayari kapag ang gusto mong ito ay magkatotoo?
Ganito,
Ang mga isda ay lilipad
Ang mga ibon ay lalangoy
Ang mga aso ay mag memeow meow
Ang mga pusa ay mag aaw aww aww
Ang mga tao ay aakyat sa puno at kakain ng sagingAng mundo ay gugulo
Ang bawat bagay at magiging katawa tawa
Higit sa lahat ay magkakaroon ng ilog ng kaawa awang mga nilalang.Nilalang na wala sa mundo ang hulog
Kaya laging nahuhulog sa kawalan at pagkadismaya...Ngayon, alam mo na?
Alam mo na kung bakit sa ganitong pagkikita ay dapat na layuan mo na?Layuan mo na kung sa umpisa pa lang ikaw at siya ay hibang
At sa mundo ng pantasya ay lunodKase panigurado ang kasunod
Ay ang tanong na " Bakit mo ipipilit ang iyong sarili sa bagay na di ka bagay?".
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?