Nag susuklay ako
Nag aayos din ng damit para sa pupuntahan koPero ako ay napatigil ng may ngumiting babae sa salamin
Yung babae na yun ay maganda
Yung babae na yun ay masayahin
Yung babae na yun ay kakaiba
Yung babae na yun ay bukod tangiSa likod, ng kanyang mga ngiti
Isang madilim na nakaraanAng aking natuklasan
Yung babae na yun ay nawawala
Yung babae na yun ay di matahimik
Yung babae na yun ay matagal ko ng kasamaMinsan naitanong ko sa sarili ko
Bakit ba ganito ang hustisya?
Pag mahirap ka katulad ng babaeng kasama ko sa aking tahanan
Pag mahirap ka katulad ng babaeng nakikita ko sa aming salamin
Eh, yayakapin ka ni kamatayan ng walang kalaban laban...
Di ko alam, pero sa ngayon
Yung babaeng nasa salamin ay maganda
Pero, sa likod ng kanyang ganda
Isang nakakapanlumong nakaraan ang aking nakita
Ang mga salitang
"Tulungan nyo ako"
"Saklolo"
"Tigilan nyo na ako"Nakabibingi! Nakabibingi! Sa sobrang inis ko;
Binasag ko ang salamin
Pero laking gulat ko ng...
Nagsusuklay ako
Ang babaeng nasa salamin
Ay nasa likod ko palaAt nagsabing isasama mo ba ako?
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?