Lyric 96: Earth vs. Human

27 1 0
                                    

Nagtatalo si Earth
At si Human
Sabi ni Earth,

Kundi mo ko pinabayaan,
Hindi ako magkakaganito,
Kung ako ay inalagaan
Mo ng tama, lahat ng mga
Nangyayari sana ngayon ay maganda

Ikaw ang dahilan,
Bakit nagsawa ako, promise ka ng promise
Na aayusin na natin to,
Na pro-Earth ka, kaso taksil ka,
Kitang kita ko ang iyong kataksilan

Lahat ng meron ang aking kalikasan
Ay ninakaw mo, katulad ng puri ng aking mga
Lupain at karagatan, kaya ngayon, Juan!
Magdusa ka!

Napikon naman si Juan,
Sa puntong ito, wag mong sabihin na wala kang kasalanan
Una sa lahat, pinabayaan  mo din ako,
Hindi ka nagbigay ng signs na nasasaktan kana pala
Akala ko okay lang sayo, kase nakikita kong nakangiti ka
At ang sabi mo pa, sige okay lang, marami pa naman dito

Pangalawa, ano pa't. Nagmahal ka kung ayaw mo masaktan
Batid mong tao ako nagkakasala, nagkakamali, at higit sa
Lahat ay di perpekto, karamihan pa nga may depekto

Eto ay epekto, nang mga standards mo, ayaw ko na ang hirap
Hirap mo ng tirhan, grabe ka gumanti, grabe ka tumira
Naka isa lang ako, naka dalawampu kana,

Ayaw ko na! Tigilan na natin ito!

Nagsalita si Earth!
Oo itigil na natin ito, sa yabang mong taglay, wala tayong
Patutunguhan, isa lang ang masasabi ko, tapusin na
Natin ang relasyon na ito!

Maghintay ka sa aking pagbabalik, Juan!
Tapos na tayo pero ang pagbabalik ko
Ay mangyayari palang!

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon