Di ko kasi alam kung bakit,
Pero sa tuwing papalo ang ikapito o ikawalong taon
Bigla bigla akong iniiwan,
Nang mga tao na tinatawag kong kaibigan.Yung akala ko di nila ako iiwan,
Pero, nang sila ay masaya na, para akong laruan,
Laruan na tinabi at pinagsawaan.Yung iniwan ka, nang di mo alam kung bakit
Yung iniwan ka nila sa ere
Alam mo yung para kang nasabugan ng isang bagong taon
Kung saan di mo alam kung paano muling mag uumpisaYung hinahanap mo yung mga sagot sa tanong na bakit?
Bakit mo ko iniwan?
Kaya naging ganito ako, naging bato na ang puso ko,Kase sa tuwing ako ay nagiging kaibigan,
Dun sila nawawala ng biglaan,Sa nalalapit na kaarawan ko, ang aking hiling,
Ay yung magkaroon ako ng kaibigan na di ako iiwan
Yung di ako bibitawan na kagaya ng laruan
Pag sila ay nagsawa na at masaya na
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poesia-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?