Lyric:180 Bumitaw Na Ako

28 1 0
                                    

Nag umpisa tayo ng masaya,
Oo tayong magkakaibigang lima
Masaya kasi katulad ng bawat relasyon tayo ay nagkakaisa
Kahit tayo ay mula sa iba't ibang pamilya

Umasa ako, na magiging masaya tayong lahat ng matagal
Kaso, isang araw, nakaramdam ako ng pag iisa sa piling ninyo
Yung nandoon ako sa grupo, pero ako ay isang hangin
Yung kahit tumalon siguro ako sa bangin

Ay di kayo maapektuhan,
Nagsawalang kibo nalang ako,
At patuloy ko kayong sinamahan

Inisip ko na baka imahinasyon,
Imahinasyon ko lang ang mga agam agam sa utak ko
Na wala kayong pakialam.

Pero tama nga ang langit, kahit ako ay mamatay sa puntong ito
Wala kayong pakialam.

Lahat ng mga bagay ay binago ng isang taon
Lahat ng mga usapan na nauwi sa katahimikan

Isang bagay ang di ko kinaya, yung araw na ipinaramdam ninyo sa akin
Na wala akong saysay, doon ko napagtanto, kinabukasan na bibitaw na ako

Bibitawan ko na kayo, kase sa aking palagay di tayo magkakasundo pa
Bilang magkakaibigan.

MP LIGHTS: 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon