Yung tiwala ko ay isang kandila
Sa tuwing nagbibigay ako ng liwanag sa ibaAko ay unti unting nauubos
Yung tiwala ko ay patak ng kandila
Nagbibigay pundasyon sa samahanHabang ako ay unti unting nauubos
Sa tuwing nakakatagpo ako ng tao
Ayaw ko munang bigyan ng label na "kaibigan"Kasi darating din ang pinto
Kung saan sila ay hahawak at lalabas sa buhay ko kasama ang isang paalamO mas malala minsan sila ay kusa na lamang naglalaho na tulad ng isang bula
Kaya yung tiwala ko ay di ko na basta basta nilalabas
Kasi alam kong marami akong kasamang ahas.
Sissssssssssssss.
Awit ng ahas
Na handang sumira ng tiwalaKaya ang tiwala ko ay di ko basta bastang nilalabas.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Thơ ca-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?