Di lahat ng tao ay totoo.
May tao ding OROCAN
O plastik o di totoo.Akala mo yang promise nyang totoo
Eh totoo?
Paano kung inuuto ka lang nya?
Paano kung ginagawa nya lang yun kase may kailangan sya?Akala mo yung mga payo nya legit?
Did you get it?
Paano kung ginagawa nya lang yun kase may kailangan lang sya?Sa panahon, na makabago
Marami ding makamundo
Sariling interes lamang ang pinapahalagahan
Sariling kasikatan lamang
Ang napapakinabanganKaya sa totoo lang bawat isa ay dapat talasan ang mga mata
Talasan ang damdaming makaramdamPakiramdaman mo kung niloloko kana
Pakiramdaman mo kung inuuto kana
Pakiramdaman mo kung iniinsulto kana
Pakiramdaman mo kung natatalo kana
Pakiramdaman mo kung dapat ka pa bang lumaban o sumuko na
Pakiramdaman mo kung peke o hindi totoo.Sa panahon na ang mura ng OROCAN o plastik
Ang dami ding napapaniwalang walastik
Kala mo totoo?
Di lahat ng tao ay totoo.Malay mo yang katabi mo
Malay mo yang tropa mo
Wala kang kaalam alam
Sinasaksak ka na pala ng harapanKase di lahat ng tao ay totoo
Kaya hawakan ang dibdib
Tibayan ang pakiramdam
At matutong makiramdamMakiramdam kung tuloy pa ba
O hindi naMakiramdam kung ano ang original at paste o peke
Kase; di lahat ng tao ay totoo.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?