Minsan dumating sa punto
Na napagod na ako
Na nagsawa na akoAko'y bumangon mula sa malamig na kama
Ang kama ko'y kulay puti at ginto
Na mayroong malinaw na salaminPaborito kong damit ay puti
Habang naglalakad ako, lahat ay nakatingin
Di ko alam kung ano ang ibig nilang sabihinHabang mga paa ko ay lumalapit sila ay isa isang lumalayo at tumatakbo papalayo.
Ako'y napahinto at nagtaka
Bakit nila ako nilalayuan?
Bakit isa isa silang lumalayo?Hinabol ko sila ng hinabol sa paghabol ko sa kanila
Ako'y napagod naPaghinga ko ay unti unting humihinto
Hanggang sa may sumigaw! Na may patay! May patay sa kalsada!
Ako'y napalingon sa kalsada at...
Mayroong nagsabi na
Ate gising! Nasa Maynila kana
Ate gising na! Nasa Maynila kana
Ate! Ate! Ate!Ako'y nagising at bumaba sa Maynila
Suot ang puti kong damit
Pabalik sa aking puti at gintong kama
Kung saan ako'y nahihimlay ng payapa.Sabi ng iba nanaginip si Ate
Sabi ko sa sakanila nanaginip sila
Na ako ay buhay pa
Dahil sa totoo lang sampung taon na akong nahihimlay sa piling ng MaykapalPanaginip ko?
O panaginip nila?
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?