Nag umpisa ang lahat sa isang pagbati
Pagbati na nauwi sa karagatan ng palitan ng kamustahan sa gitna ng gabi at mag uumaga.Sa akin naman ay wala lang yun
Sa akin naman lahat ng yun ay pangkaraniwan
Sa akin naman ang mga pag uusap na yun ay bahagi lamang ng pagiging isang tao na merong komunikasyonHanggang sa lahat ay naglalakad sa mundo ng imahinasyon
Imahinasyon na may gusto ka kaya sa akin?
Imahinasyon na may pag asa kaya ako sayo?Kinabukasan,
Nagising ako sa kapatagan ng katotohanan na;
ay di pala totoo yun.
Nagising ako sa katotohanan na may iba ka palang gusto sa panahon na ito.Lakas natin magbigay ng motibo sa bawat isa
Lakas natin maglaro sa apoy at sumugal sa bawat kaluluwaPero lahat pala ng iyon ay habang tumatagal ay lumalala.
Dumating ako sa punto na wala na akong nararamdaman.
Sabi mo kasi imahinasyon
Kaya ang puso ko ay tumigil na sa kakasambit ng iyong pangalan.Natutulog ako ng gabing iyon,
Nang may narinig ako sumusubok na buksan ang pintuanAt di na ako nagtaka; Ikaw nga na
Nasa aking harapan at nagsasabi naMahal na pala kita, kala ko kase imahinasyon lang
Mahal na pala kita, kase sayo ko natutuhan na tumawa at maging masaya
Mahal na pala kita, kase hinahanap hanap kita.Tumigil muli ang oras ng sinabi nya iyon
Habang tumatagal, ang akala kong wala ay nagkakaroon ng laman
Habang tumatagal ang akala ko na walang kwenta ay nagkakaroon ng kwenta at kwento sa ating buhay.Pero, siya ba ay hibang? O nagsasabi ng tapat?
Di ko na alam. Isa lang ang sigurado
Habang tumatagal ang simple hello ay nagiging I love you
Ang bawat I love you ay nagiging I need you for the rest of my life.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poésie-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?