Bawat tao, ay may iba't ibang ugali.
Katulad ng isang kulay.
Bawat kulay ay may kahulugan,
Parang ugali din ng bawat tao, mahirap man maintindihan
Pero dapat ay maintindihan mo,Sa totoo lang, si Juan at Juana ay magpapakita
Sa oras na si Adan at Eba ay nangailangan,
Yung mga panahon na kailangan mo ng malalapitan
Doon mo din makikita ang tunay na kulay ng bawat taoSa totoo lang, makikita mo ang tunay na kulay ng isang tao
Ayon sa intensyon ng kanyang puso,
Ayon sa dedikasyon ng kanyang pag iisip,
Higit sa lahat, sa pagturing niya sayo bilang isang tao.Kung sa umpisa palang, bawat, kanto ay walang tugma.
Magtanong kana? Kung nasa tamang tao kapa ba?
Kasi malay mo lumabas na ang kanyang totoong kulay
Nang di mo nalalaman.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?