Sa Agham, madaling maging tao
It takes two different cells para ka mabuo
Madali, lang naman maging tao
Minu, minuto may nakakagawa ng bagong anak
At araw-araw may nanganganakPero ang magpakatao, yun ang mahirap,
Dahil bawat tao ay may kanya kanyang
Paniniwala,Dahil bawat tao ay may kanya kanyang konsepto
Kung ano ang mali o tama
Kung sino si Basilyo
O si Sisa
Kung si Sisa ba ay si Tita.
Na nasa tapat ni Lita.Ang tao ay isang ,puta,he!
Minsan adobo, sinigang, nilaga
O kapag gipit tigang! Tamang kapit
Sa patalim.Iba't ibang kulay asul, pula, mabaya,
Sa puti o sa pula
Walang makakahulaDahil mahirap malaman ang kulay ng bawat tao
Dahil mahirap magpakatao
Sa moral na aspeto.Kay daling sabihin na ito ang ayon sa batas ng tao
Dapat ka maging moral
Onting pagkakamali
Bagsak na ang pagiging tao mo.Kung ako si Tacio, isa lang ang masasabi ko,
Wag kang gawa ng gawa ng tao
Matuto ka muna na maging buo,
Buuhin mo ang sarili mo,
At magpakatao.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Поэзия-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?