Sa likod ng Asul na kurtina
Ay may isang kaluluwang nakakubli
Isang nilalang na tinatanong ng marami
Isang pagkataong misteryosoSa likod ng Asul na kurtina
Ay may isang sikreto
Isang sikreto ng isang nilalang na tinatanong ng maramiIsang tanong na babasag sa mga akala ng bawat tao sa mundo
Isang tanong na maaring makapagpabago sa mundo mo
Isang sagot na magbibigay kasagutan sa bawat tanong ng mga nilalang sa mundo.
Ngunit sa ngayon, hahayaan ko na lamang ang isang nilalang na nakakubli sa Asul na kurtina.
Hahayaan ko nalamang ang misteryo ay manatiling misteryoso
Dahil alam kong hindi pa handa ang mundo sa aking sagot para sa mga tao.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?