Habang ako ay naglalakad,
Isang pagbati ang bumungad
Isang yakap mula sa mga bata ang aking natanggap.
Isang magandang umagaAng labi ay naghabi ng mga ngiti
Kasabay nito ay ang mga luha.
Nagulat sila at nagtanong "okay ka lang ba?"Tugon ko oo. Ngunit sa likod ng isang oo, ay ang isang katotohanan na ito na ang huli at ang ating huling pagkikita.
Sabi nila "Bukas cher! May activity ba tayo?"
Sagot ko mayroon pero walang tayo.
Sa likod ng walang tayo, yun ay nangangahulugan na ng isang pamamaalam.
Ayaw ko ng ipaalam. Ayaw ko na maramdaman nyo na ako ay aalis na. Gusto ko nalang dumating ang isang araw na tayo ay bahagi na lahat ng mga masasayang alaala.
Sa araw na ito,
Ito na ang huling araw na ako ay mananatili sa piling nila.Dahil bukas, ako ay lilisan na.
Tulad ng isang ibon, ang mga pakpak ko ay tumutubo naAt nangagailangan ko ng lumisan para mas mahasa ang aking kasanayan.
Hanggang sa huli mga bata.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?