Yung sa bawat gabi, at umaga
Tayo ay nag uusap
Mga letra na nagiging salita
At nauuwi sa mga pangungusapMalayo ka man sa tabi
Ramdam ko ikaw ay nandito lang lagi
Ayaw kong mahulog sa iyo,
Dahil wala naman ito sa aking bokabularyo,Oo! Sinubukan ko naman,
Sinubukan ko na pahintuin ang tibok nito sayo
Sinubukan ko naman na pagtakpan ang tunay
Kong nararamdaman,Kaso, ako ay bumigay na din,
Kase di ko na maitatanggi ang ikaw ang natatanging laman
Lamang ng aking damdaminO ngayong alam mo na? May magagawa ka pa ba?
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?