Sa pagsasara ng aking pintuan,
Tila may isang tao na napadaan,
Di ko naman binigyan ng pansin,
Nanatili akong tahimik,
Hanggang sa nakita ko na siya ay isang pagbabalik,
Pagbabalik na mula sa nakaraan,Ang tanong muli ko bang tatanggapin?
Papasukin ko ba muli ang panauhin na ito?
Ang tugon ko ay oo.Saming dalawa ay wala namang may masamang tinapay
Sadyang noon, ay nilamon lang kami ng aming mga sariling mundo
Siya ay muling kumaway
Kaya naman ako din ay nakikawayAt doon muling nabuhay,
Nabuhay ang pagbabalik ng pagkakaibigan na natabunan
Nang abalang mundoSa ating pagbabalik bilang magkaibigan
Dinadalangin ko na sana ay di na tayo muling magkalayo
Sana manatili na tayo sa bawat isa
Para maisira ko na ng tuluyan itong pintuan ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
MP LIGHTS: 143
Poetry-Hugot? Sad? Poem lover? -This book is a collection of random poems. Free verse by nature with some traditional patterns. -Minsan kase mapapatigil ka nalang... Hanggang sa itatanong mo nalang sa mga bituin kung lahat ba ng ito ay isang panaginip?