PROLOGUE

4.6K 144 137
                                    


Si Federico Ruiz Achaga ay isang cool, happy-go-lucky na tao pero mabait at may puso sa mga mahihirap. Dahil sa gwapo siya at mayaman, nagiging normal na ang pagiging babaero niya. Nagpapalit siya ng nobya na parang nagpapalit lang ng damit.

Mula sa pamilya ng mga mayayaman sa Buenos Aires, Argentina ang pamilya nina Federico. Si Señor Gustavo Achaga ang kanyang ama, isang mayamang negosyante. Si Señora Angelica Achaga ang kanyang ina, isang mabait na may bahay.

Dahil nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa, nakukuha ni Federico ang lahat ng gusto niya. Paborito siya ng kanyang ama at suportado sa lahat ng mga ginagawa niya. Masasabi ni Federico na sobrang perpekto na ng buhay niya.

Nagbago ang lahat ng makilala niya si Juliana. Ang bagong katulong sa mansyon na mula sa isang mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang mahulog ang loob niya sa dalaga at minahal ito. Tinago ni Federico ang relasyon nila ni Juliana dahil alam niyang hindi papayag si Señor Gustavo at Señora Angelica na isang hamak na katulong lang ang papatulan niya.

Lalong gumulo ang sitwasyon at lumala ang problema ni Federico ng malaman niyang buntis si Juliana sa kanilang anak. Kasabay naman nito ang pagtuklas ni Señor Gustavo Achaga sa kanilang relasyon. Dumating sa puntong kailangan nang mamili ni Federico-- ang mga magulang niya o ang babaeng mahal niya?

Hindi niya kayang malayo sa mga magulang. Hindi niya kayang mawala ang luhong nakasanayan. Hindi niya kayang mawala ang kayamanang nakagisnan. Ngunit kailangan siya ng babaeng mahal niya at nang magiging anak nila.

Galit na galit si Señor Gustavo sa nalaman. Sampal at suntok ang natanggap ni Federico mula sa kanyang ama. Natatakot siya para sa kanyang mag-ina. Masamang magalit ang kanyang ama at lalo itong magliliyab kapag malamang buntis si Juliana.

Ngunit nagtataka si Federico dahil hindi binalaan o pinalayas sa mansyon si Juliana. Si Señor Gustavo ang klase ng tao na hindi titigil hanggat hindi nawawala sa kanyang landas ang mga taong ayaw niya o sagabal sa kanyang pag-unlad. Nakapagtataka na wala itong ginawa kay Juliana.

Akala ni Federico okay na. Nabulaga nalang siya isang araw ng makatanggap siya ng sulat mula kay Juliana. Nagpapaalam ito sa kanya na sasama nasa lalaking totoo nitong mahal. Hindi niya kilala ang lalaking tinutukoy nito pero sapat na ang nakalahad sa sulat na ang lalaking sinamahan ay ang totoo nitong nobyo.

Nagwawala siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Paano siya naloko ng babaeng hampas-lupa? Hindi naman siya tanga at uto-uto. Bakit niya minahal ang isang manloloko? Karma na siguro niya ito dahil sa mga babaeng minahal siya pero niloko lang niya.

Malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ni Federico magmula ng iwan siya ni Juliana. Niloko siya ng babaeng mahal niya. Paano siya nakakasiguro na anak niya ang ipinagbubuntis nito?

"Malaking pagkakamali ang iwan niya ako at sumama siya sa iba. Hindi siya magiging masaya sa piling ng lalaking iyon. Habang buhay siyang maghihirap at pagsisisihan ang kasalanang ginawa niya sa akin." Nakatiim-bagang na wika ni Federico.

Nabasag ang basong hawak niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya dito. Hindi niya pinansin ang dumudugong kamay. Nakatingin lang siya sa kawalan at galit na galit. Nilapitan siya ng kanyang ama at inakbayan.

"Pera lang ang habol ng babaeng iyon sayo hijo. Malayo pa lang siya naaamoy ko na ang nabubulok niyang pagkatao." Wika ni Señor Gustavo. Inilapag ang basong hawak bago humarap kay Federico. "Kalimutan mo ang manlolokong iyon Federico at pakasalan mo si Luisa Miranda."






_________

Copyright © emberVon1990
All Rights Reserved

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon